Angel Locsin, problemado sa shooting ng pelikula

ADVERTISING

Angel Locsin, problemado sa shooting ng pelikula

Angel-LocsinTILA SUPER delay ang haharapin ng pelikulang pagsasamahan nina Vilma Santos at Angel Locsin na ididirek ni Bb. Joyce Bernal. Akala ko nga ay nasimula na ang shooting.

ADVERTISING

‘Yong kaso ni Ate Vi, oks lang. Nasa Italy ito for an official trip kaya hindi pa p’wedeng mag-shoot. Kahit si Xian Lim na kasama sa pelikula ay nandirito. “Most of the scenes kasi kasali si Ate Vi. Pagbalik niya baka p’wede na kaming mag-start,” kuwento ni Direk Joyce.

Ang malaking problema niya ay ang nararamdamang sakit sa likod ni Angel na ngayon yata siya sinisingil sa aksidente na nangyai sa kanya sa shooting nila noon ni Piolo Pascual, kung saan isang local cowboy si Papa P na off-camera ay nahulog sa sinasakyan niyang kabayo si Angel. Nagkaproblema ang aktres. Nakarooon ng slipped disk, sabi ni Direk Joyce sa amin.

Sabi namin kay Direk, mukhang aktibo si Angel lately based sa IG posting niya, kung saan lakwatsa siya nang lakwatsa with friends. Nand’yan na inakyat nila ang Mt. Pulag, Mt. Pinatubo, at yong mataas na bundok sa Cavite.

ADVERTISING

“Part yata ‘yan ng exercises niya for her problema sa kanyang slipped disk,” sabi ni Direk na walang kasiguraduhan.

“Inaaya nga rin niya akong umakyat, pero ‘di ako p’wede,” dagdag ni Direk Joyce.

 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING