ANGEL LOCSIN, PINUNTAHAN SA BAHAY NI PHIL YOUNGHUSBAND

ADVERTISING

ANGEL LOCSIN, PINUNTAHAN SA BAHAY NI PHIL YOUNGHUSBANDHOW TRUE NA MAY tampo ang Megastar na si Sharon Cuneta sa anak nitong si KC Concepcion at kay Piolo Pascual?

Alam na rin ni Ate Shawie na ilang buwan nang magkasintahan na sina KC at Piolo, at maligaya ito para sa dalawa. Pero totoo kayang naloka ang Megastar, dahil hindi agad sinabi nina KC at Piolo sa kanya ang kanilang relasyon after sagutin ng dalaga ang aktor nu’ng nakaraang October?

ADVERTISING

NAPAG-ALAMAN NAMIN NA after ikasal sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa last month, gusto na raw ng aktor na mabuntis na agad ang kanyang napakagandang misis, kahit mayroon na silang adopted three-year-old son na si Kiel.

Well, sana nga magbunga na ang kanilang ginawang honeymoon sa Palawan, na we heard ay regalo raw ng mommy ni Oyo na si Dina Bonnevie, bago pa magsunud-sunod ang kanilang mga trabaho.

HINDI MAN NATULOY ANG sinasabing pagde-date nina Phil Younghusband at Angel Locsin sa isang firing range, gaano naman katotoo na alam na ng guwapong soccer player ang cellphone number at address ng bahay ng sikat na aktres?

ADVERTISING

Balita namin, binisita na umano ni Phil si Angel sa bahay nito last weekend. Kung hindi man talaga nangyari ang pagbisita ng athlete sa bahay ng aktres, nagtangka raw talaga itong makarating para makilala personally si Angel at makausap ito.

ANG DAMI PA lang naka-lineup na pelikula this year para kay Toni Gonzaga sa Star Ci-nema.

May gagawin si Toni with Eugene Domingo. Bukod sa ipinangako umanong Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ng Star Cinema managing director na si Malou Santos sa TV host-singer-actress sa December na magi-ging isa sa mga movie entry ng nasabing film production.

Aside from the two films, we learned na interesado raw si Sen. Bong Revilla na kuning leading lady si Tin (palayaw ni Toni) para sa susunod na pelikula ng una na co-production din with Star Cinema.

ANG MOVIE NAMAN nina Bossing Vic Sotto at Bea Alonzo, under Star Cinema pa rin at M-Zet Productions na ang ipapalabas sa darating na Black Saturday, April 23, hindi na ang kina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda na una naming ibinalita. Hindi na raw kasi matutuloy ang tandem sana ng dalawang komedyante, ayon sa a-ming source.

UGALIIN n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show-biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, at francissimeon. Maraming salamat po!

ANGEL LOCSIN, PINUNTAHAN SA BAHAY NI PHIL YOUNGHUSBAND
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING