Angel Locsin, pinayuhan ni Vilma Santos na piliin ang kalusugan kaysa sa ‘Darna’

ADVERTISING

Angel Locsin, pinayuhan ni Vilma Santos na piliin ang kalusugan kaysa sa ‘Darna’

Angel-Locsin-Vilma-SantosWALANG MAGAWA si Angel Locsin kundi ang laging mapaluha sa tuwa sa tuwing ipinararamdam sa kanya ni Luis Manzano ang kanyang suporta sa pinagdaraanan ngayon ng kanyang karelasyon at magandang aktres. Hindi na nga niya matutuloy gawin ang mahabang panahon niyang pinaghahandaang pagganap ulit sa role ni Darna. Dahil na rin ito sa pamemeligro ng kanyang kalusugan sa ngayon, na mas lalo pa marahil gagrabe kung pipilitin niyang pagbidahan pa ang pelikulang Darna ng Star Cinema.

ADVERTISING

Malungkot at masakit para kay Angel na hindi na niya kayang maging Darna ulit. Sa maraming pagkakataon na nagkakasama at nagkakausap sila ng mommy ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na kasama niya rin ngayon sa pelikulang All Of My Life ay naidaing ni Angel ang tungkol sa sitwasyon niya, na may peligro na nga sa kanyang health, pero mahal niya ang Darna project. Pinagpayuhan naman siya ng Star For All Seasons, na mas piliin ang kanyang health.

Kumportable naman sina Angel at Gov. Vi dahil sa relasyon nila ni Luis, at matatandaang nakagawa si Ate Vi ng apat na bersiyon ng pelikulang Darna, kaya alam ni Angel na mas maiintindihan siya ng wife ni Senator Ralph Recto sa kanyang nararamdaman. Kaya nga, mas pinahahalagahan ngayon ni Angel ang kanyang kalusugan, kesa muling maging Darna. Kasabay raw ng payo ni Ate Vi na health ang mas dapat piliin, nagwi-wish daw ang premyadong aktres na dapat magkaroon din sina Angel at Luis ng anak, para magkaroon siya ng apo.

 

ADVERTISING

HINDI NAMAN talaga humihinto ang GMA 7 sa pagdiskubre nila ng mga baguhang artista na pasisikatin sa mga darating na panahon, habang talagang hindi mapipigilan ang tapatan nila ng ABS-CBN na patuloy ring dumidiskubre ng mga baguhang artista at laging napatutunayan naman ang kahusayan ng Kapamilya Network sa epektibo nilang pagpapasikat ng mga nadiskubreng artista, kumpara sa mga sumikat din na nadiskubre ng Kapuso Network.

Isang dapat isakatuparan ng GMA ay dumiskubre sila ng mga baguhang aktor na matatangkad. Dahil totoo ang sinabi ni Isabelle Daza, na nasa bakuran ng ABS ang mga matatangkad na aktor. Pansinin n’yo rin kasi talaga, na ang magagaling na aktor ng Siyete ay hindi matatangkad. Napakahusay na aktor ni Dennis Trillo, pero hindi matangkad, at nanggaling din siya sa ABS. Ang napakahusay na Kapuso actor na si Kristoffer Martin, hindi rin matangkad kaya mukhang totoy. Paano na lang kung ang kaeksena nila ay aktres na kasing-tangkad ni Ruffa Gutierrez?

Ang matatangkad lang ngayon sa GMA ay sina Dingdong Dantes, Mikael Daez, at Dion Ignacio. May problema naman kung sisikat pa ba uli si Aljur Abrenica, na kahit okey naman ang height ay medyo bano pa ring umarte. Palaban naman talaga ang GMA sa ABS-CBN, dahil magaganda ang kuwento ng kanilang mga teleserye, marami rin silang magagaling at magagandang aktres. Pero pagdating nga sa mga aktor, puro kapos sa height ang sumisikat sa kanila, kaya pansinin na dapat iyan ng Siyete. Dahil sa totoo lang, doon din sila kabog ng Star Magic na maraming alagang mga guwapo at matatangkad na aktor.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING