Angel Locsin, pinatulan ang basher

ADVERTISING

Angel Locsin, pinatulan ang basher

Angel-LocsinBIRTHDAY NI Angel Locsin recently and there’s one rain on her parade, in a manner of speaking. Meron kasing basher na ayaw tantanan si Angel sa kanyang Instagram account, kung anu-ano ang pinagsasabi. Probably, Angel thought na sumusobra na ang basher kaya naman sinagot na niya ito. Talagang pinatulan niya ang basher.

ADVERTISING

“Te, bat di ka na lang magtanong sa kanya kung ano ba ang nangyare total parang close naman kayo? Mahiya ka ha. Pasalamat kang di ko kuwento yan para magsalita. At wag na wag mo kong mabaliktad. Hindi ako takot mawalan ng trabaho at magkaroon ng anak. Layas ka sa ig ko te, dun ka,” reaction ni Angel.

“At ang alam ko ako ang nauna. May mga malalanding umaaligid. Nag-break kami at sinubukang ayusin, may mga malalandi pa rin na nasa tabi-tabi. Wala kayong narinig sakin kaya tumahimik kayo kung ayaw nyo ng gulo,” dagdag pa niya.

Just recently ay nakapanood kami ng episode ng soap ni Angel and we were surprised when after the first gap ay may mga testimonials na ipinalabas ang show. Kung sinu-sinong ordinary people ang nagsalita on-cam para papurihan ang show, para siguro maraming maengganyo na manood nito.

ADVERTISING

Teka, bakit kailangang gawin nila ito kung true na nagre-rate nang husto ang show nila? Parang totoo tuloy ang chikang kaya nasa chopping board na ang teleserye ni Angel ay dahil hindi ito masyadong pinanonood ng mga tao.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING