Angel Locsin, pinagtawanan ang pagkaka-link kay Chito Miranda! – Gorgy’s Park

Angel Locsin, pinagtawanan ang pagkaka-link kay Chito Miranda! – Gorgy’s ParkMARAMI PA RIN ang nagdududang hindi naman nag-break sina Katrina Halili at Kris Lawrence at tuloy pa rin ang kanilang relasyon.

Nakikita pa rin silang magkasama at madalas pa rin ang pagdalaw ni Kris kay Katrina.

Sinasabi lang nilang matagal na raw silang break pero na-retain pa rin ang friendship pero sa mga espesyal na araw ng dalawa ay magkasama sila.

Nu’ng nakaraang kaarawan ni Katrina ay nandu’n si Kris sa bahay ni Katrina, kung saan nagpa-dinner lang ang seksing aktres kasama ang buong pamilya at malalapit na kaibigan.

Isang Pomeranian puppy ang regalo ni Kris kay Katrina na pinangalanan daw nilang Charlie Brown.

Hindi naman daw nawawala si Kris kay Katrina at nandiyan pa rin daw siya sa likod nito na patuloy na sumusuporta.

Puring-puri nga ni Kris ang katapangan ni Katrina na patuloy pa rin daw nitong hinaharap ang mga kasong isinampa niya laban kina Hayden Kho.

Bilib daw siya sa dalaga dahil hindi pa rin ito sumusuko sa mga pinagdaanan niya lalo na ang mga kahihiyang hinarap niya nu’ng nakaraang taon.

Kaya hindi raw niya ito iiwan at patuloy na suportahan. Pero muli niyang nilinaw sa amin na magkaibigan lang talaga sila at wala na raw silang relasyon.

Hindi naman nakikipag-date si Katrina sa ibang lalaki o nag-i-entertain ng mga manliligaw at ganu’n din itong si Kris na wala naman ibang babaeng nali-link sa kanya.

Ngayon ay Kapuso na si Kris dahil pumirma na ito bilang isa sa mga mainstay ng SOP at malamang isa sa mga episode ng naturang variety show ay magsasama sila ni Katrina.

NAKAKA-TENSE ANG STARSTRUCK V nu’ng nakaraang Linggo dahil dalawa ang tinanggal.

Nagpaalam na nga sina Princess Snell at Piero Vergara nu’ng gabing ‘yun.

Sa simula pa lang ng programa, ramdam na naming si Princess ang matsutsugi dahil very vocal ang mga kapwa nito survivors na babae na ayaw nila kay Princess dahil sa sama raw ng ugali nito.

Ang ikinabigla ng lahat ay ang pagkakatanggal ni Piero dahil isa ito sa malakas sa grupo ng boys.

Mas grabe ang iyakan ng mga boys sa pagpaalam ni Piero dahil sobrang close na sila at iba na ang bonding nilang lahat.

May mga naririnig pa kaming violent reaction mula sa kampo ni Piero pero wala na silang magagawa dahil galing ‘yun sa text votes, boto ng kapwa survivor at ang council.

Lumalabas nu’ng gabing ‘yun na hindi talaga magwawagi kung may attitude problem ka dahil ‘yun ang reklamo sa dalawang natanggal.

Mukha namang may iaarya pa sina Princess at Piero kaya kahit natanggal na sila sa Starstruck V puwede pa silang magka-career pagkatapos ng Starstruck, basta mabigyan lang sila ng magandang break ng GMA-7 at ma-handle nang maayos ng GMA Artist Center.

NATAWA SI ANGEL Locsin nang na-phone patch namin ito sa Tweetbiz ng QTV 11 sa tanong kung nanliligaw ba sa kanya si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar.

Mismong ang host ng Tweetbiz na si Tim Yap ang nagpakilala pala sa dalawa at naging close sila, pero parang magkapatid lang daw ang turingan nila sa isa’t isa.

Pareho lang daw silang galing sa break-up kaya hindi tamang magkagustuhan pa silang dalawa.

Ang isa sa mukhang pursigidong manligaw kay Angel ay ang CNN hero na si Efren Penaflorida dahil nagpakilala na nga raw ito sa Daddy ni Angel at sa kapatid nito.

Pero sey naman ni Angel, naging supportive lang daw siya sa mga project ni Efren pero wala naman daw ligawang nangyari.

By Gorgy’s Park