Angel Locsin, pinagbawalang makasama si Vilma Santos

ADVERTISING

Angel Locsin, pinagbawalang makasama si Vilma Santos

Angel-LocsinDAHIL SA pagkakaroon ng sore eyes ni Angel Locsin, na-delay ang shooting ng pelikula nila ni Batangas Governor Vilma Santos. Pero nang gumaling na ang sore eyes nito ay kaagad nagpasabi na gusto na niyang mag-shoot ng movie nila ni Ate.

ADVERTISING

Hindi raw pumayag ang production staff dahil mas madali raw makahawa ang pagaling na sore eyes. Baka imbes na maging smooth ang shooting ay mahawa pa ng sore eyes ang iba nilang kasama.

Ilang araw na lang ang shooting day ng Vilma/Angel movie. Masaya nga ang Ad-Prom heads ng Star Cinema na sina Roxy Liquigan at Mico del Rosario sa mga eksena ni Ate Vi. Ibang-iba raw ang acting ng Star For All SeasonS kaya ganado raw ito sa shooting.

Ayon kina Roxy at Mico, baka next week ilabas ang final title ng movie. At kung walang magiging aberya ay malamang na maging birthday presentation daw ni Ate Vi dahil sa October 28 ang target playdate ng movie, habang sa November 1 ang birthday ng gobernador.

ADVERTISING

Samantalang muling sinabi ni Ate Vi na hindi siya tatakbong pangalawang pangulo ng bansa. At nagpapasalamat siya sa mga tao na naghahangad siyang tumabkbo sa mas mataas na posisyon ng bansa.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING