Angel Locsin, papangit nang papangit ang soap

ADVERTISING

Angel Locsin,  papangit nang papangit ang soap

Angel-LocsinSI YASMIEN Kurdi naman ang binuweltahan ng pamba-bash ng fans ni Angel Locsin. Kung anu-anong panlalait ang ginawa kay Yasmien sa social media na akala mo ay talagang napakalaki na ng kasalanang nagawa.

Nag-post kasi si Yasmien sa kanyang Instagram account ng rating ng soap nila ni Jennylyn Mercado na mataas nang kaunti ang rating laban sa teleserye ni Angel.

Umangal ang mga fans ni Angel. Saan daw ba nakuha ni Yasmien ang figures na ipinost niya? Fake daw ang ratings na ikinalat niya. Hindi raw totoo ang figures. With what she did ay ginawa raw niyang katawa-tawa ang kanyang sarili.

‘Yung isa naman, tila gulat na gulat at tinalo na ang ratings ng soap ni Angel. Dapat daw ay kinuha ni Yasmien sa isang reliable source ang kanyang figures at hindi ‘yung kinopya lang.

ADVERTISING

One fan naman said na trending palagi ang teleserye ni Angel kaya paanong tatalunin ito ng soap ni Jen.

“Kaumay kaya ung plabas ni angel..paulit2x nlng cla ng tema.samantalang ang #rhodoraX may kalidad..graveh!!napapanganga ako sa ganda ng story at sa husay nla lalo n ni jen,” one Kapuso fan commented.

“Hahah naku yasmien ipush u yan hangang s mamatay cla s glit,,hnd q nga nktang ng trending ang TLW tpos ssvhin nla cla lagi trending,, San nman nla nkuha ung trending n un,,kta nman naton n ila ng beses ng talo s rating ang TLW ayaw p nla umamin n talo cla,” say naman ng isa pa.

Actually, ilang beses lang naming napanood ang soap ni Angel at tila PAPANGIT ito nang PAPANGIT. Very predictable kasi ang mga eksena at hindi naman kagalingan ang acting ng cast especially Angel and Christopher de Leon na acting na acting palagi.

Mas magaling pa si Jennylyn compared kay Angel dahil dual role ang una. Ang challenge kay Jen ay ang swift transition ng kanyang character.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING