Angel Locsin, nililigawan ni Efren Peñaflorida! – Pilar Mateo

ADVERTISING

Angel Locsin, nililigawan ni Efren Peñaflorida! - Pilar MateoAngel Locsin, nililigawan ni Efren Peñaflorida! - Pilar MateoSILENT WORKER PALA talagang maituturing ang hinirang na CNN Hero of 2009 na si Efren Penaflorida. At maingat na maingat pala itong magtago ng sikreto.

Hindi na rin napigilan ng aktres na si Angel Locsin na ibahagi ang kuwento sa nagsimula na palang panliligaw sa kanya ng nagsimula ng ‘kariton klasrum’ sa ilalim ng kanyang Dynamic Teen Company.

ADVERTISING

Gusto naming maniwalang wala mang solidong ‘vision board’ sa buhay niya si Efren, ang kanya namang pananalig na isang araw eh, makaka-krus niya ang landas ng babaeng iniingatan sa puso niya eh, mangyayari! Si Angel na rin ang may sabing nagkasabay pa sila sa eroplano ni Efren at sa sarili niyang paraan eh, naipahiwatig na agad nito sa dalaga ang malinis na hangarin niyang maging bahagi ng isang sulok ng puso nito.

Marunong din si Kuya Efren. Hindi niya sa kalye niligawan ang aktres. Umakyat ito sa bahay nina Angel at ang agad na kinausap at hiningan ng permiso para manligaw sa dalaga eh, walang iba kundi sa Daddy Angel nito.

Mukha rin kasing ang direksyong tinatahak ng dalawa eh, patuloy na magku-krus sa dulo, dahil sa mga tulong na ibinabahagi nila sa kanilang kapwa. Ang Shop & Share ni Angel, sa tulong ng PNRC (Philippine National Red Cross) eh, nakalikom na ng mahigit isang milyong piso.

ADVERTISING

Ang sabi nga, ‘kung ukol, bubukol.’ If it’s meant to be, it will happen. If it’s fated, then so be it. Depende na nga lang ‘yan sa mangyayari sa ikot ng buhay nina Efren at Angel. Dahil may balitang nag-uusap na uli sina Angel at Luis Manzano.

HINDI NGA LAHAT ng nagdiwang ng Pasko eh, nakadama ng lubos na kaligayahan sa kanilang mga buhay.

May himig ng lungkot ang text message sa akin ng aktor na si Julio Diaz.

“My year ender: Pasko and New Year ko ay butas ang bulsa, pero good enough got some good friends and family and a blessed life. May holiday blues kasi miz ko anak ko.”

Ang tinutukoy na anak ni Julio eh, ang anak niya sa anak ng kanyang biyenang dating aktres na si Marita Zobel.

ISINUNOD SA PANGALAN ng Anghel na si Miguel ang pagkikilanlan sa bagong dagdag sa pamilya ng mag-asawang Megastar Sharon Cuneta (who will celebrate her birthday tomorrow-January 6) at Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

VERY PROUD NA nga si Mega sa pag-a-announce nito although hindi pa nila pinahihintulutang mailabas ang mga larawan ng batang kanilang in-adopt hangga’t hindi pa tuluyang naaayos ang mga adoption papers nito. Pero makikitang ito ang isa sa mga patuloy na nagpapasaya ng bawat araw sa buhay ng kanilang pamilya.

Makikitang tila nasusunod sa mga ginagawa ng Hollywood stars ang mga nangyayari sa ating local celebrities sa kasalukuyan gaya ni Mega, na hindi mo naman sasabihing sadyang ginagaya. Pero dahil matagal na namin itong nakilala-siguradong parte pa rin ito ng pagiging mababang-loob niya sa lahat ng bagay.

Kung si Kris Aquino eh, nagkaroon na ng kanyang K Magazine na gaya ng kay Oprah Winfrey, ang unang ibinalita sa amin ni Shawie na ilalabas niyang Sharon with an exclamation point eh, magiging Sharon at Home na pala ngayon, na gaya rin ng O! At Home ni Oprah Winfrey.

Noon pa man, nasabi na namin na para sa akin, ang local version ko ni Oprah eh, walang iba kundi si Shawie at sa lalaki naman, walang iba na ito kundi si Kuya Boy Abunda!

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING