Angel Locsin, nangunguna sa pagtulak kay Rep. Neri Colmenares sa Senado

Angel Locsin, nangunguna sa pagtulak kay Rep. Neri Colmenares sa Senado

Angel-Locsin-Neri-ColmenaresNICE TO learn na magsisimula na muli si Angel Locsin mag-shooting ng movie nila ni Vilma Santos as scheduled last Thursday na hopefully ay natuloy. Ayon sa kuwento ng manager niyang si Manay Ethel Ramos sa amin, Wednesday morning nang may-I-clarify ako kay Manay. Nakabalik na kasi si Ate Vi from her Italian official trip and at the same time ay bakasyon.

Excited na si Angel humarap sa kamera ni Direk Joyce Bernal, lalo pa’t nabalam ang shooting niya (nakunan na pala siya nang ilang mga eksena) dahil ilang buwan na rin siya nakatengga while waiting for Vilma’s return at siya naman ay on-going ang therapy sa slipped disk accident na natamo niya years ago during the shooting of their movie ni Piolo Pascual, kung saan ang role ni Papa P ay isang local cowboy.

Last Tuesday, naibalita sa amin ng kaibigang Bemz Benedito of the LGBT group Ang Ladlad na hindi man nakadalo si Angel sa launching ng “Like Ko si Neri (Colmenares) for Senator Movement”, kung saan isa si Angel sa mga convenor ng grupo, aktibo ang aktres sa kanyang pagbibigay-suporta sa incumbent Bayan Muna partylist representative na tumakbo ito for a seat sa Senate.

Sabi ni Manay Ethel, “Cousin niya si Neri. Sayang wala siya (Neri),” during the event.

Andu’n sa QC Sport Club sina Monique Wilson for Women and Gabriela; Bemz Benedito for the LGBT and Ang Ladlad; chess master Eugene Torre; businessman Carl Balita, at mga labor and transport sector na kukumbinsi kay Rep. Neri to run for the Senate.

A couple of months ago, nakabasa kami ng letter of support na ipinamamahagi sa media at ilang mga concerned citizens na nagnanais kumbinsihin si Rep. Neri to run for the Senate sa next year election na isa sa mga signatories ay ang aktres.

Reyted K
By RK VillaCorta