Angel Locsin, nanalo ng Best Supporting Actress Award sa Asia-Pacific Film Festival!

ADVERTISING

Angel Locsin, nanalo ng Best Supporting Actress Award sa Asia-Pacific Film Festival!

Angel Locsin, nanalo ng Best Supporting Actress Award sa Asia-Pacific Film Festival!
Angel Locsin’s Best Supporting Actress Award from Asia-Pacific Film Festival

NO DOUBT na magaling na aktres si Angel Locsin. Kaya nga siya ang isa sa mga iniidolo ng mga kabataang artista natin na gustong sundan ang tinahak ng kanyang showbiz career.

 
Kaya naman, kahit overseas ay nano-nominate si Angel Locsin sa kanyang performance sa pelikulang Everthing About Her as Best Supporting Actress ng 57th Asia-Pacific Filmfest na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia.
 
Sa pelikula, she played the role of a private nurse ni Vilma Santos na nakarelasyon naman ni Xian Lim na anak ni Ate Vi.
 
Sayang, wala si Gel at hindi nakadalo sa naturang parangal na sa information ng head publicist ng Star Cinema na si Mico del Rosario, ang award ay tinanggap ni Direk Will Fredo ng FDCP.
 
Hindi man nakadalo, si Angel ay nagpasalamat sa mga nag-congratulate sa kanya.
 
Sa katunayan, when we posted this news about her sa social media account namin (follow me on Twitter and Instagram: @ rkvillacorta), nagpasalamat ang aktres sa amin na hindi na bago para sa isang tulad niya na always very grateful sa mga mumunting mga bagay na mga nagagawa ng ibang mga tao sa kanya na malaki man o maliit.
 
Sa kanyang Instagram account na @therealangellocsin ay nagpasalamat siya: “Thank you very, very much for this incredible honor.”
 
Today, Monday, super grateful si Angel na personal niyang sinasagot ang mga pagbati ng mga fans niya (yong keri lang ng powers niya) which is a nice gesture ng isang artista na hindi tulad ng iba na deadma lang sa mga fans nila.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING
ADVERTISING