Angel Locsin, nagpasintabi kay Kathryn bago pumasok ng La Luna Sangre

ADVERTISING

Angel Locsin, nagpasintabi kay Kathryn bago pumasok ng La Luna Sangre

Angel Locsin, nagpasintabi kay Kathryn bago pumasok ng La Luna Sangre
Angel Locsin

GINULAT nga ni Angel Locsin ang mga manonood sa kanyang bagong karakter bilang campaign strategist ni Richard Gutierrez who is playing Sandrino in La Luna  Sangre.

 

Gagampanan ni Angel ang role ni Jacintha Magsaysay na ayon sa ABS-CBN ay isang taong nababalot ng misteryo. 

“Si Jacintha ay isang taong nababalot ng misteryo. Nabuhay siya sa ibang bansa at nakilala noong naipanalo niya iyong tumatakbong presidente na may hinarap na scandal dati,” kuwento ng Star Creatives manager na si Henry Quitain.
    
Dagdag pa niya, “Si Jacintha, tao siya kumpara kay Lia. Kapag napanood natin siya, makikita natin na sopistikada siya magsalita, mayaman siya. Kaya niyang makipagtapatan kahit kanino at nagsasabi siya ng totoo at bukal sa kalooban niya.”
    
Mainit nga na tinanggap ng publiko ang paglabas ni Angel bilang si Jacintha kaya naman agad-agad siyang nag-trend sa Twitter. Kasabay nito, mainit din na tinanggap ng La Luna Sangre star na si Kathryn Bernardo ang kanyang pagbabalik.
    
Kwento ni Angel, “Hindi ko lang kaagad nasabihan si Kath kasi nga sikreto pa, so hindi ko pa alam kung sino ba ’yung mga nakakaalam na papasok ako rito. Pero, bago pa umere ang episode ay tinext ko na siya, sabi ko, ‘Kath I’ll see you soon.’

ADVERTISING

“Nagpasintabi ako kay Kath at mukhang natuwa naman siya. Puno pa nga ng emoticons ang reply niya,” pahayag pa ni Angel.
    

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING