Angel Locsin, nagpadala ng flowers kina Ate Vi at Luis

ADVERTISING

MAINIT AT SOBRANG siksikan ang fans sa Trinoma Mall para sa premiere night ng In My Life ng Star Cinema. Dagsa ang fans mula sa iba’t ibang lugar para makita ang mga bida at hindi sila binigo dahil in full force ang lahat  ng artista. Dumating sina Vice Ganda, Nikki Gil, Rafael Rosell, Dimples Romana, Zeppi Borromeo, Paw Diaz at mga big stars na sina Luis Manzano, John Lloyd Cruz at  Vilam Santos. Nandoon din siyempre si Direk Olivia Lamasan na sobrang excited sa magiging reaksyon ng mga manonood. Nagbigay-pugay din sa nasabing event sina Laurice Guillen, Ina Feleo, ABS-CBN president Charo Santos-Concio, ABS-CBN TV Head Cory Vidanes at ang ex-husband ni Ate Vi at ama ni Luis na si Edu Manzano.

Bongga ang suot ni Ate Vi na naka-see through na top at silver skirt. Formal at very tailored-fit ang mga suot nina John Lloyd at Luis.

ADVERTISING

EKSAKTONG ALAS-SINGKO nang hapon nang simulan ang pagpasok ng mga fans at artista sa Cinema 7 ng Trinoma. At nang magsimula na ang screening, nagsimula na ang iyakan, tawanan at hagikhikan ng lahat.

Pero bago pa man pumasok ang lahat at mapanood ang pelikula,eh, may interesting na eksenang naganap sa red  carpet. May ipinadalang special bouquet of flowers mula sa Roberto Antonio’s si Angel Locsin para kina Ate Vi at Luis Manzano. Agad na kinuha ang card na nakakabit sa flowers at itinago ito. Nakaselyo ito at kaya hindi maurirat ng press kung sino talaga ang nagbigay at kung ano ang nakasulat sa card.

NITONG MIYERKULES NAMAN, may source akong nag-tip sa akin na nagpa-special screening daw sa My Cinema (Cinema 3) ng Greenbelt 3 sa Makati si Ruffa Gutierrez  para sa pelikulang In My Life. Todo-support talaga si Ruffa kay John Lloyd, ha! Ano kaya’ng ibig sabihin nito?

ADVERTISING
ADVERTISING