Angel Locsin, nagmistulang acting coach ni Rep. Neri Colmenares

ADVERTISING

Angel Locsin, nagmistulang acting coach ni Rep. Neri Colmenares

Angel Locsin with Rep. Neri Colmenares
Angel Locsin with Rep. Neri Colmenares

Kahit may iniindang sakit na nararamdaman sa kanyang likuran, all out pa rin ang suporta ng aktres na si Angel Locsin sa kayang Kuya Neri Colmenares na kumakandidato bilang Senador sa darating na May 9 national elections.

ADVERTISING

Kung maaalala pa, dahil malaki ang personal na paniniwala ng aktres kay Rep. Neri Colmenares na mas makapaglilingkod ito sa mas nakararami sa pagtakbo nito sa pagka-Senador, kahit may sakit na nararamdaman, hindi pinababayaan ni Angel Locsin ang kanyang “tiyuhin” na ang tawag niya ay Kuya Neri sa shoot ng kanilang TV ad.

Dahil hindi naman ito showbiz o artista na sanay humarap sa kamera, may kaba pa ring nararamdaman ang ‘Senador ng Masa’ nang mag-shoot sila.

Kaya si Angel, para matulungan ang kanyang Kuya Neri para maging relax sa harap ng kamera, naging acting coach ang aktres.

ADVERTISING

Para mag-loosen up si Kuya Neri, may pasayaw-sayaw pa at pagkanta ng peyborit nitong kanta ni Yoyoy Villame na ‘Butchikik’!

Si Angel na ang ultimate motivation ni Neri para gawin ang TV ad na sa simula pa lang ay tila malaking isyu ito kay Kuya Neri dahil alam niyang hindi siya pang-akting sa harap ng kamera.

Sabi ni Neri, ‘di daw kasi siya sanay sa showiz at mukhang hindi niya talaga matututunan ang ginagawa ni Angel, kaya ganun na lang ang pagtitiyaga ng aktres na turuan si Kuya Neri para mas maging natural ang gagawin nitong pag-arte sa harap ng kamera.

Bukod kay Angel na openly ay sumusuporta sa kanyang Kuya Neri, maging si Boy Abunda at hayagan din ang pagsuporta sa kandidatura ni Kuya Neri na may malinaw na plataporma para sa mga LGBT concerns, kung saan si Kuya Boy ay isa sa mga nirerespetong LGBT advocate sa bansa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING