Angel Locsin, may balak sa pulitika? – Ogie Diaz

ADVERTISING

Angel Locsin, may balak sa pulitika? - Ogie Diaz

Angel Locsin, may balak sa pulitika? - Ogie DiazNGAYONG GABI SA oras ng TV Patrol ay ilo-launch na ang MTV ng pagsuporta ng naglalakihang artista kay Noynoy Aquino na tatakbong Presidente sa darating na halalan.

ADVERTISING

Napanood na namin ang first wave (yes, may second wave pa!) at mataray ang gawa at ang direksiyon ni Onat Diaz (TVC director at ng The Buzz).

Hindi na namin ipe-preempt kung ano ang nilalaman nito, dahil nangako kami kay Kris Aquino nu’ng makahuntahan namin nu’ng Wednesday night na ang TV Patrol ang unang maglalabas (as if naman, makapaglalabas kami ng video dito sa Parazzi, hehehehe!).

Basta ang clue:  hawig sa MTV ng Lupang Hinirang sa mga sinehan ang tema ng bonggang MTV ni  Noynoy.

ADVERTISING
[ad#post-ad-box]

“Pero rito, Ogs, magkakasama ang Kapamilya stars at Kapuso Stars, ‘no!  So ibig sabihin, may pagkakaisa!”

Oo nga naman.  Abangan n’yo na mamaya sa TV Patrol, dahil sabi nga ni Kris, “Ambag-ambag kami diyan lahat!  Even the artists, ni singko, wala kaming ibinayad.  Naniniwala lang talaga sa kapatid ko.”

TATAKBO BA sa darating na eleksiyon si Angel Locsin?  ‘Yan ang madalas naming tanggapin na katanungan  dahil lately ay panay kawanggawa ang napapanood nating ginagawa ni Angel.

Although alam namin sa aming puso na noon pa ay mapagkawanggawa na si Angel.  Talagang ang mga blessings na dumarating sa kanya ay isine-share niya talaga sa mga nangangailangan.

Just recently ay nakita siyang nagparehistro sa Comelec ng City Hall.  Matiyaga raw na pumila si Angel para makarehistro, dahil gustong i-exercise ang kanyang karapatang mamili ng mamumuno.

Kami, feeling namin, dahil si Angel ay aktibong miyembro o supporter ng Gabriela, feeling namin, siya ang ipe-first nominee ng naturang party list group para maging congresswoman.

So, ano ito?  Kung ito ba ay magkakatotoo, puwede na ba nating tawagin siya bilang Congresswoman Angel Locsin?

Why not?

GUSTO LANG NAMING saluduhan si Kuya Boy Abunda sa kanyang one-of-a-kind friendship na ibinibigay niya sa isang tao.

After watching the MTV made for Noynoy Aquino ay naramdaman namin sa panonood kung gaano niya kamahal ang mga Aquino at kung gaano kalalim ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga ito, lalo na kay kris Aquino.

‘Yung mga talents ni Kuya Boy sa Backroom, walang pilitan, kusa silang sumama sa ipinaglalaban ng mga Aquino, kaya sa naturang MTV ay lutang na lutang ang Backroom Talents.

Actually, kung tutuusin, kayang kumita nang milyon-milyon ni Kuya Boy sa mga pulitiko, eh.  Pero hindi lahat, pera.  Nangingibabaw pa rin ang friendship sa kanya, kaya naman ganu’n na lang ang pagsuporta niya sa mga Aquino.

Imbes na gawing pagkakitaan ang eleksiyon, siya pa ngayon ang magbibigay ng kanyang donasyon sa mga Aquino para lang maipagpatuloy ang laban ni Noynoy.

Ilambeses na rin namin napatunayan ‘yan kay Kuya Boy, kaya nga napakasuwerte mo ‘pag naging kaibigan mo siya.  At isa na kami roon.

Maraming salamat, Kuya Boy.  Kaya ka super blessed ni Bro, dahil you also share your blessings to others.  Happy, happy birthday at lagi kang mag-iingat.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING