Angel Locsin, malalaking proyekto ang naghihintay sa pagpasok ng taon

ADVERTISING

Angel Locsin, malalaking proyekto ang naghihintay sa pagpasok ng taon

Angel-LocsinMAGIGING MAGANDA ang pasok ng susunod na taon kay Angel Locsin, dahil ilang naglalakihang proyekto ang nakatakda niyang gawin. Hindi naman kasi siya ‘yung tipo ng artista na mahilig makipagkumpitensiya, kaya kapag medyo natetengga siya at humahaba ang pahinga ng kanyang career, hinahanapan nakaagad siya ng butas, na kesyo palagi na lang daw lovelife ang inaasikaso. Pero ang totoo, marunong siyang maghintay kung kailan mayroong mga trabaho para sa kanya.

Hindi naman kasi KSP si Angel bilang artista. Marami pa siyang ibang pinagkakaabalahan kapag hindi siya busy sa taping o shooting ng teleserye o pelikula. Nakuha na niya ang kanyang kasikatan kahit nu’ng nasa bakuran pa lang siya ng GMA, at ngayong nasa ABS-CBN na siya ay big star pa rin naman ng showbiz ang turing sa kanya. Nagkakataon lang lagi na puro mga sikat na lalaki ang kanyang nakarerelasyon ‘tulad nina Phil Younghusband at Luis Manzano, kaya laging napag-uusapan.

Bumubuwelo lang ulit ngayon si Angel, dahil pasisimulan na ang pelikula nila ni Governor Vilma Santos-Recto. Isang napakalaking hamon din para sa kanya na siya na naman ang gaganap na bida sa pelikulang Darna. Iniintriga na nga na natagalan daw bago ulit siya nag-Darna. Wala naman din iyong kaso para sa kanya, dahil si Gov. Vi raw na nakapagbida sa apat na bersiyon ng Darna ay hindi na bagets nu’ng gawin ang huli niyang Darna at Ding kasama si Niño Muhlach bilang Ding.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING