Angel Locsin, makikipagtapatan kay Marian Rivera!

ADVERTISING

Angel Locsin, makikipagtapatan kay Marian Rivera!Angel Locsin, makikipagtapatan kay Marian Rivera!GINANAP LAST Friday ang storycon ng bagong teleseryeng muling gagawin ni Angel Locsin na may titulong Hanggang Kailan Kita Mamahalin sa ABS-CBN. Si Rory Quintos ang direktor nito at baka mag-umpisa na silang magtaping sa July 3.

Gaya nga ng una naming naisulat dito sa aming column, baka si Jericho Rosales ang ipalit sa role sana ay kay Paulo Avelino.

ADVERTISING

Ngayon, kumpirmado na ngang ang pinakabagong Gawad Urian best actor na nga na si Echo ang makakapareho ni Angel.

Joining the cast now also is Maja Salvador na ipinalit naman daw sa papel na gagampanan sana ni Andi Eigenmann.

May gagawin din daw kasing teleserye si Andi na siya ang title role, kaya hindi na siya kasama sa teleserye nina Angel.

ADVERTISING

Kung hindi kami nagkakamali, gagawin ni Andi ang Galema: Anak ni Zuma.

Makakasama rin daw nina Jericho, Maja at Angel sina Rio Locsin, Leo Rialp, Joem Bascon, Ahron Villena at Mark Gil.

First time sanang magkakasama nina Andi at amang si Mark sa isang teleserye, gaya nang unang magkasama ang una at ina nitong si Jaclyn Jose sa Kahit Puso’y Masugatan.

Ang balita namin, ang presidente at chief operating officer (COO) ng Kapamilya Network na si Ms. Charo Santos-Concio ang mismong pumili kay Maja na ipalit kay Andi.

Angel Locsin, makikipagtapatan kay Marian Rivera!Sa teleseryeng ito rin daw unang gagamitin ang pinakabago at high-tech na camera na galing Amerika.

Balik Angel tayo, bukod sa Toda Max at kanyang bagong teleserye na gagawin na matagal nang pinakaaabangan ng kanyang fans, tiyak matutuwa rin ang mga ito kapag natuloy ang pagiging special co-host ng aktres sa It’s Showtime tuwing Sabado.

Ibig sabihin ay magkakatapatan sila ni Marian Rivera na magiging isa na rin sa miyembro ng Dabarkads ng Eat Bulaga.

 

SPEAKING OF Ms. Charo Santos-Concio, lumipad pala ito ng States late last week para mag-attend ng graduation ng kanyang panganay na anak na si Francis Concio na nag-aral daw sa isang film school doon.

This Wednesday raw ang balik ni Ms. Charo sa bansa.

 

TILA MAY usapan yata ang mag-jowa na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercdo na hindi sila magsasama sa isang proyekto, kahit pa sa isang cover ng magazine.

Mukhang gusto ng dalawa na manatiling pribado ang kanilang relasyon at huwag nang pag-usapan in public.

Minsan nga raw ay may offer pa kay Jennylyn na magsama sila sa isang movie projet, pero tinanggihan daw ito ng aktres.

‘Pag may inquiry rin nga raw kay Luis para sa kanilang dalawa ay hindi ito tumatango.

 Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING