Angel Locsin at Maja Salvador, ‘di maiwasang magkasakitan

ADVERTISING

Angel Locsin at Maja Salvador, ‘di maiwasang magkasakitan

Maja-Salvador-Angel-LocsinSA NALALAPIT na pagtatapos ng The Legal Wife ay lalong tumitindi ang mga eksana sa pagitan nina Monica (Angel Locsin) at Nicole (Maja Salvador). Mga maaanghang na sagutan at umaatikabong sabunutan, sampalan at sakitan ang laging inaaabangan ng mga viewers mula sa dalawang babaeng nag-aagawan sa pagmamahal ni Adrian (Jericho Rosales).

Pati mga memorable lines ay panalung-panalo tulad ng kina Monica, “Walang sa ‘yo Nicole, akin lang ang asawa ko!” at Rowena (Matet de Leon), “Ang tigas din kasi ng ulo mo, eh ‘no? Ilang beses ka ba itataboy ni Adrian bago ka mahiya sa sarili mo? Intindihan mo ‘yang anak mo! Tigilan mo na si Adrian, utang na loob! Atsaka, teka lang, ha? Ano bang sustansiya meron ‘yan si Adrian para kailanganin mo siya para mabuhay? Binubugbog mo ‘yang katawan mo, binubugbog mo ‘yang puso mo para sa lalaking ayaw ka naman! Lampas ka na sa pagiging luka-loka!”

How much can a broken wife take from her philandering husband? After learning about his illicit affair with her best friend, Monica learned that Nicole is still seeing Adrian. Ang masakit pa nito ay buntis si Nicole at ang itinuturong ama ay si Adrian.

Sobrang intense ang characterization nina Angel at Maja kaya hindi sinasadyang magkasakitan silang dalawa while having their catfight scenes. Kuwento ni Matet, may pasa raw si Maja.

ADVERTISING

Maja said there’s nothing personal between her and Angel. ‘Ika nga, trabaho lang kaya pinaghahandaan nilang mabuti ang kanilang mga eksena. “Siyempre, hindi maiiwasan na minsan madadala ka sa emosyon pero wala namang personalan dahil parehas naman kami ni Angel na mahal namin iyong trabaho. Grabe iyong yakapan namin sa isa’t isa tapos si Angel, sorry nang sorry.”

Hindi maikakailang maraming tao ang nakare-relate sa love triangle nina Monica, Adrian, at Nicole. Patok ang bawat episode na laging laman ng mga kuwentuhan lalo na sa social media. Ilang babae na ba kasi ang umiyak dahil sa pakikipag-realsyon ng kanyang asawa sa ibang babae? Ilang babae na ba ang iniwanan ng asawa? At ilang babae na ba ang nagsapakan dahil sa iisang lalaki? Sabi nga ni Angel sa isang interview ay marami silang natatanggap na mga messages regarding the series.

Ano kaya ang mga nalalabing pasabog ng The Legal Wife? Sino kaya ang pipiliin at sino ang magiging luhaan sa pagtatapos ng kuwento? Iyan ang dapat pakatutukan ng mga manonood.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING