Angel Locsin at Maja Salvador, bigay na bigay sa kumprontasyon

ADVERTISING

Angel Locsin at Maja Salvador, bigay na bigay sa kumprontasyon

Maja-Salvador-Angel-LocsinGABI-GABING TINUTUTUKAN ng mga manonood ang painit nang painit na mga eksena sa The Legal Wife. Nalantad na ang pagtataksil nina Adrian (Jericho Rosales) at Nicole (Maja Salvador) kay Monica (Angel Locsin). Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Monica sa nabunyag na sikreto.

Naganap na ang pinakahihintay na komprontasyon nina Monica at Nicole. With the episode’s official hashtag, #TLWTheRoyalRumble, it became the No. 1 Philippine trending topic. Pumalo rin ito sa ratings game.

Sinabi ni Maja sa kanyang guesting kamakailan sa Aquino & Abunda Tonight na hindi sila nag-rehearse ni Angel ng naturang eksena that lasted 10 to 15 minutes. To prepare for that intense scene ay kinailangan niyang huwag magpakita kay Angel. “Birthday kasi ni Angel noong araw na iyon. Buong araw hindi ako nagpapakita sa kanya. Kasi sa eksena, iniiwasan ko siya. Ang tagal naming hindi nagkita. Para ‘pag gagawin namin iyong eksena, iyong talagang galit, iyon talagang ibibigay kami.”

Kaya lang si Angel ay iba ang atake sa napipintong komprontasyon ng kanilang mga karakter. Kuwento ni Maja, “Doon kami nagkita. Tapos parang hindi ko pinapansin si Angel. Eh, si Angel, sabi niya, ‘Beh, saan kita sasabunutan?’ Kinausap pa rin niya ako!”

ADVERTISING

Was she hurt while doing the scene? “Sa umpisa. Pero iyon, sinabihan kami ni Direk Dado na, ‘Alam ko, kapag umarte kayong dalawa, sobrang intense pero be careful.’”

Nagpapasalamat din siya sa patuloy na pagsuporta sa The Legal Wife. “Sobrang saya po kasi hindi mo akalain na itong show na ito, talagang pag-uusapan. Iyong kuwento kasi namin, hindi mo alam na kakapitan, susuportahan ng mga tao.”

Katulad ni Maja ay masaya rin si Angel sa tinatamong tagumpay ng series. “Nakakatuwa na may mga nare-receive kaming messages kasi parang kahit paano nakakaganti na iyong mga legal wife sa mga mistress. May mga nagsasabi naman na at least naiintindihan nila iyong side ng mistress tapos iyong mga lalaki, hindi na raw manloloko,” she said in an interview with ABS-CBN News’ Ginger Conejero.

“Natutuwa lang kami na may ganoong klaseng reaction kasi kung walang ganoong reaction, ibig sabihin walang nanonood, walang dating iyong story. Salamat sa ABS-CBN, sa writers talaga. Sila naman ito.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING