Angel Locsin, magaling sumugal!

Angel Locsin, magaling sumugal!

Angel Locsin, magaling sumugal!BINANSAGANG QUEEN OF Primetime si Angel Locsin dahil sa big success ng Only You. She has also been blessed with a great deal of endorsements and TV/movie projects. Binigyan din ng recognition ang first teleserye niyang Lobo ng 30th Banff World Television Awards held at Fairmont Banff Springs Hotel in Canada bilang category winner para sa telenovela programs.

Right now, wish ni Sharon Cuneta na makasama si Angel sa movie na Mano Po ng Regal Films. “Kahit gustong-gusto kong makatrabaho ang ating Megastar, mahirap po kasi may usapang legal. May nilulutong project ang Star Cinema with me and Ate Sharon. Hindi magiging kumpleto ang career ko kung hindi ko makakatrabaho sina Sharon, Ate Vi. Gusto ko mas masaya kung marami, may project akong gagawin with Aga Muhlach. Napag-usapan na po namin kasi exclusive ako sa Star Cinema.”

What make a person worth loving? “ Ako, kapag nakita kong minamahal niya ang sarili niya, mas masarap mahalin. Kasi, papa’no mo mamahalin ang isang taong hindi niya minamahal ang sarili niya?”

Reaction ni Angel sa pagiging  Queen of Primetime at  Movie Queen? “Pakiramdam ko hindi ko pa naabot ‘yun kasi, mahirap po ‘yun. Masaya ako sa ginagawa ko, sa trabaho ko. Para sa akin ang movie queen ay sina Ate Juday (Judy Ann Santos), Claudine (Barreto). Like kami nina Anne (Curtis), Bea (Alonzo), mga baguhan lang kami kumpara sa kanila.”

Gaano sila ka-close ni Governor Vilma Santos? “Si Tita Vilma, sobrang mabait, everytime na kasama ko po siya, palagi niya akong kinakausap. Kung anuman ‘yung pinagdaanan niya, ibinabahagi niya sa akin. Marami siyang mga advice sa mga baguhang artistang tulad ko.”

Napapanahon na kaya para magkasama sa isang teleserye sina Angel at Luis Manzano? “Kami ni Luis, personal ‘yung relationship namin. Alam namin ‘yung sa amin, alam namin kung alin ‘yung trabaho. Saka, nagsimula naman kami ni Luis na may kanya-kanya kaming mundo, sariling desisyon. Okey lang ‘yung sandali lang pero ‘yung ipareha kami, kailangan talagang pag-usapan ‘yun. “

‘Yung relationship nila ni Luis, kumusta na? “Sa ngayon, siya ang one and only ko, okey naman kami.  Wala naman kaming pinag-aawayan, walang mga issues, nagkakaintindihan kami. Napakatalino ni Luis kausap, napakabait na tao. Hindi niya ginamit ang magulang niya para sa sarili niyang kapakanan, napakabait talaga!”

At this point, wala bang regrets si Angel sa paglipat niya sa Kapamilya network? “Nang mag-transfer po ako dito sa ABS, nagdesisyon akong paninindigan ko kung anuman ‘yun naging desisyon ko. Tatanggapin ko po nang buong-buo kung anuman ang mangyayari sa akin. Nagpapasalamat ako, hindi ako pinabayaan ng ABS-CBN, ng Star Cinema, inalagaan po nila ako. Siguro kung hindi sa kanila, hindi ako sumugal, hindi ako matututo. Hindi lalakas ang loob ko, hindi ako makikilalang aktres. Siguro naman po nakuha ko ‘yung respeto ng tao, ipinakita ko sa kanilang puwede akong magdesisyon, kaya kong sumugal. Kaya masasabi ko, wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko.”

Priority ni Angel sa ngayon? “Gumawa ng proyekto sa mga batikang artista, makagawa uli ako ng isang action movie, kahit anong action. Makapag-aral muli, sana mapansin uli, magkaroon ng acting award kahit sa TV.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield