Angel Locsin, mabilis na nakare-recover sa kanyang health problem

ADVERTISING

Angel Locsin, mabilis na nakare-recover sa kanyang health problem

Angel-LocsinHAPPY TO learn ang fast recovery ni Angel Locsin sa kanyang health problem. Naging successful ang first operation niya just before Christmas sa Singapore, na pagkatapos ng kaabalahan niya sa promotion ng pelikula niyang “Everything About Her” with Vilma Santos at Xian Lim, she will undergo her 2nd operation.

ADVERTISING

Sa grand presscon ng pelikula nila, naibalita ni Angel Locsin sa amin ang fast recovery niya, lalo pa’t ang pamilya niya ay nand’yan para suportahan siya.

Matapang na tao si Angel. Malakas kaya hindi dali-daling naigugupo ng takot na kung titingnan mo, ang kanyang pinagdaraanan ay masasabing hindi basta-basta. Pero bilang isang aktibong tao, hindi naging sagabal sa kanya ang natamong aksidente at operasyon sa bandang spinal colum niya, na kung iba lang marahil ay hindi magkakaroon ng lakas ng loob para suungin ang lahat ng pagsubok.

Happy si Angel dahil ang kanyang future mother-in-law na si Vilma Santos ang makasasama niya sa latest project niya.

ADVERTISING

Sa pelikula, she plays as a matiyagang caregiver sa mamamatay nang si Vanessa played by Vilma Santos.

Imagine, papaano niya matatagalan ang isang Vanessa na “demonyo sa pag-uugali” gayong matiisin lang marahil siya?

Pagkukuwento ng aktres sa pelikulang ito, mas nakilala niya si Ate Vi hindi lang bilang artista kundi bilang tao na future mother-in-law niya. Mas nagkakaroon sila ng chance na makilala ang isa’t isa lalo pa’t during shooting breaks ay nagkakatsikahan sila.

No wonder, si Angel, ipinakilala na si Ate Vi sa ama niya kamakailan na hudyat lang na ang nasimulan nila ni Luis Manzano ay malapit na talagang mag-ending sa harap ng dambana ng simbahan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING