Angel Locsin, lumabas din ang tunay na kulay

Angel-LocsinNATUPAD NA rin sa wakas ang mga destinasyon na gustong marating ni Angel Locsin sa Pilipinas. Kamakailan, isa-isa niyang narating ang mga lugar na akala niya ay hindi niya mararating tulad ng Mt. Pinatubo, Mt. Pulag (sa Kabayan, Benguet), at Batanes kung saan siya nag-celebrate ng kanyang kaarawan.

From an informant, ang balita namin, sa darating na May 2016 elections, magpapakilala na si Angel ng kanyang tunay na kulay at paniniwalang political sa pagsuporta sa progresibong Bayan Muna (na identified sa extreme left ng political spectrum), kung saan may iluluklok ang grupo for a seat sa Senate. Bongga ‘pag nagkataon.

Si Angel, magtataas kamao na rin laban sa mga isyu na hindi pinaniniwalaan at pinu-protesta ng Bayan Muna. Pero may katanungan ako, kaanu-ano kaya ni Angel si Party-list Rep. Neri Colmenares? ‘Di ba’t ang tunay na apelyido ni Angel ay Colmenares?

Sa kasalukuyan, tinatapos ng aktres ang pelikulang pagsasamahan nila ng kanyang “future-mother-in-law” na si Vilma Santos with Xian Lim. Ewan ko lang kung magpapasiklab si Xian sa acting niya sa pelikula, the fact na magagaling ang makakasama niya sa obra ni Direk Bb. Joyce Bernal para sa Star Cinema.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleSarah Geronimo, alanganin pa ring magpakasal kay Matteo Guidicelli
Next articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 71 June 8 – 9, 2015

No posts to display