Angel Locsin at Luis Manzano, kasal na lang ang kulang

ADVERTISING

Angel Locsin at Luis Manzano, kasal na lang ang kulang

Luis-Manzano-Angel-LocsinTULUY-TULOY NA talaga ang magandang samahan nina Luis Manzano at Angel Locsin. After confirming that they are officially back in each other’s arms ay laging pinapakilig ng celebrity couple ang publiko with their posts on Instagram.

Kamakailan, nagkaroon ng dinner date sina Luis at Angel kasama sina Sen. Ralph Recto, Gov. Vilma, at Ryan Christian. Kitang-kita sa mga Instagram posts nina Angel and Luis ang mga ‘di maikakailang ebidensya that they are one big happy family. ‘Ika nga, kasal na lang ang kulang para maging opisyal nang kabilang sa kanilang pamilya si Angel.

Nagkuwento si Luis sa Buzz ng Bayan tungkol sa kanilang masayang bonding. “Nag-set ako ng dinner. Kumbaga it was [like] watching Angel come home. Parang ganoon. Nagkita at nagyakapan sila. Kausap ko si Ryan, hinahayan kong mag-bonding ang dalawang binibini. So it was a very happy evening. Ang sarap nilang panoorin. Iyong interaction ni Mommy kay Angel, kay Tito Ralph, kay Ryan, pinapanood ko lang. Ang sarap. Parang no time was lost between them.”

Gov. Vi is very vocal about her feelings with Angel. She only has good words for the actress. Sabi nga niya noon sa isang interview ay hindi na iba sa kanilang pamilya si Angel. Basta lagi lang daw siyang nakasuporta. What matters most ay maligaya si Luis and definitely isa si Angel sa nagpapasaya ngayon sa binata.

ADVERTISING

What was Gov. Vi’s reaction nang magkita sila for the first time after the reconciliation? “Kung tama iyong pagkakaalala ko parang welcome home nga rin yata ang sabi ni Mommy [kay Angel]. I could see the happiness in my Mom. In fact, sila pa iyong magkatabi. Ako nasa side. Si Angel, si Mommy, [at] si Tito Ralph, sila pa iyong nagba-bonding,” sabi ni Luis.

Now that they are giving love a second chance, Luis makes sure na pang habang-buhay na ang pag-iibigan nila ni Angel. Sabi nga, it takes two to tango. Ganoon din pagdating sa relationship. Kailangan may effort ang magkarelasyon kung gusto nilang magtagal ang kanilang samahan. Kaya naman despite their hectic schedule, Luis and Angel give time for each other. Ayon kay Luis, “You have to make time. For example, a few nights back, galing akong trabaho. Dumaan lang ako just to give her a kiss tapos umuwi na ako. The small moments are what make the relationship worth it.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING