Angel Locsin, kinompronta si Pauleen Luna!

ADVERTISING

Angel Locsin, kinompronta si Pauleen Luna!

Hindi na talaga papipigil ang paglaki ng Twitter issues sa mga paborito nating celebrity ngayon. Kamakailan lang ay lumabas dito sa Pinoy Parazzi ang diumano’y pang-aapi ng ilang artista kay Pauleen Luna sa Twitter. Hindi man direktang ipinangalan kung sinu-sino ang mga involved pa dito, marami nang Twitter followers ang nakakagets na sa mga parinigan sa internet ng mga hitad.

ADVERTISING

Isa sa mga nag-react noong Linggo ng hapon ay si Angel Locsin. Tinanong nito mismo si Pauleen Luna sa Twitter account n’ya in public!

On Sunday 9th May 2010, @143redangel said:

Hi @marieluna ☺ sorry kung dito na kita kinausap sa twitter, para lang matapos na yung issue.. Ano ba yung mga parinig na sinasabi? Bakit naman kasi may ganung issue? pauline, gusto lang namin ayusin to.☺

ADVERTISING

Sumagot naman si Pauleen Luna ng ganito:

@143redangel Hi Gel! It never came from me na may pinaparinig kayo. You know the real reason and my side :)

Sumagot ulit si Angel ng:

@MarieLuna ya, nagusap na tayo sa bbm kaya nga eh, san kaya nanggaling yung issue? di lang kasi na explain at na clarify ng maayos yung “parinig at pangbubully” issue eh. And di ko gets bakit iisipin ng iba na pinariringgan ka. Don’t get me wrong ha? We’re not asking you to clear anyones name. Respeto. Pero ma aappreciate namin kung masasabi mo na di talaga totoo yung issue or ma explain mo ng mabuti yung side mo ayusin natin to

Ano nga kaya ang totoong rason sa isyung ito at ano nga ba ang side ng dalawang kampo ukol sa isyung ito? Naku ha, hindi gusto ng mga fans ‘yan!

Angel Locsin, kinompronta si Pauleen Luna!

Photos By Allan Sancon and Parazzi Wires

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING