Angel Locsin, kinikilig pa rin sa “Darna”

ADVERTISING

 alt=

Angel-Locsin“Kinikilig ako. Kasi alam n’yo pong mahal ko po talaga ang project.”

ADVERTISING

Ito ang naging tugon ni Angel Locsin nang sabihin sa kanya ng press na um-attend sa presscon ng “Everything About Her” kahapon, January 17, na may nagsasabing siya pa rin daw ang gaganap na Darna sa movie remake ng Pinoy heroine na ididirek ni Erik Matti.

Nag-backout na si Angel Locsin sa nasabing project dahil sa naging problema niya sa likod. Dumaan din sa minor operation si Angel dahil dito, na nakuha pa umano niya noon sa shooting ng pelikula nila ni Piolo Pascual na “Love Me Again” noong 2008 nang aksidenteng mahulog ang aktres sa kabayo.

Hindi nga makapaniwala si Angel na isa pa rin siya sa mga ikino-consider na mag-Darna sa kabila ng kanyang pagtanggi na.

ADVERTISING

“Naku po, ako po talaga? Nakita n’yo naman po ang interview ko po sa “Abunda Tonight”. Noong sinabi ko po na hindi po ako magda-Darna. Ako po kasi, nagpapagaling pa po,” ani Angel sa kabila ng hiyawan at tilian ng entertainment press nang maungkat ang nasabing isyu.

“Not for anything else, kung sakali… kung sakali, tingnan natin. Kasi kailangan, healthy lang po ako? Gusto kong magka-baby sa future din,” dagdag pa ni Angel.
Sa ngayon, mabuti na rin daw ang kalagayan ng kalusugan ni Angel.

Bukod kay Angel, ilan pa sa mga kumakakalat sa social media na gusto ng netizen na gumanap bilang Darna sa nasabing upcoming movie sina Maja Salvador, Nadine Lustre, at Liza Soberano.

Nauna nang ginampanan ni Angel ang papel na Darna sa teleserye sa GMA noong 2005. Nang lumipat si Angel sa Kapamilya Network, ginawan ng remake ang teleseryeng Darna na ginampanan naman ni Marian Rivera, kung saan naging mainit ang pagkukumpara sa kanilang dalawa.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING