Angel Locsin, kabado sa paghaharap nila ni Gov. Vilma Santos

ADVERTISING

Angel Locsin, kabado sa paghaharap nila ni Gov. Vilma Santos

Angel-LocsinISANG MAS masaya, mas inspirado na Luis Manzano ang nakauusap namin ngayon. Epekto na rin ng pagbabalikan nila ni Angel Locsin, tinanong namin ang aktor/ TV host sa mga Instagram posts nila ni Angel tungkol sa pagkikitang muli ng girlfriend at ng kanyang pamilya, kung saan balita na dinalaw niya ang pamilya at nag-dinner sila sa bahay ng mga Recto.

Ayon kay Luis, kinakabahan at nae-excite si Angel habang nagda-drive siya papunta sa bahay ng ina. Masaya siya na habang kausap ang kapatid na si Ryan ay masaya namang nag-uusap din sina Angel at Gov. Vi. Nag-text pa sa kanya ang ina pag-uwi nila na na-miss siya nito at na-miss din nito ang aktres.

Marami ang nagsasabi na mauuwi na sa kasalan ang relasyon nilang dalawa. Para kay Luis, sana ay huwag silang pangunahan ng ibang tao. Pero aminado na lagi itong nasa isip niya, na natutulog siya at nagigising na nasa isip niya ito.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING
ADVERTISING