Angel Locsin, ipinagmalaking ‘iningatan’ siya ni Dingdong Dantes

ADVERTISING

Angel Locsin, ipinagmalaking ‘iningatan’ siya ni Dingdong Dantes

Angel Locsin, ipinagmalaking ‘iningatan’ siya ni Dingdong DantesBLIND ITEM: Kawawa naman ang isang news anchor. Nawalan ng trabaho, dahil sa isyung diumano’y reklamo ng isang young actress ng sexual harrasment.

“Juice ko, alam mo, Ogie, napakailusyunada ng babaeng ‘yan. Dahil sa kaartehan niya, porke ayaw lang niya du’n sa news anchor para sa kaibigan niyang young actress, ginawan niya ng isyu.

“Aba’y nu’ng one time kasi, usap-usap silang tatlo, itong news anchor, itinuro lang niya ‘yung parang sugat niya, aba, ‘yun na. Inireklamo na niya ng sexual harrasment.

“Since magkaisa lang sila ng TV station na pinagtatrabahuhan, ayun, hindi pa naman napatutunayan ‘yung allegation niya du’n sa anchor, tinanggal na sa trabaho ‘yung tao. Kawawa naman.

ADVERTISING

“Juice ko, eh sa totoo lang, guwapo ‘yung anchor, pero hindi siya type nito. Siya lang ‘tong nag-iilusyon. Kunwa-kunwari lang siyang ayaw niya ‘yung anchor for her friend, pero ang totoo, siya ang may gusto du’n sa guy.

“Excuse me, hindi siya type no’n. Ayun, ginawan niya ng isyu.”

Kung totoo man ito, ang cheap naman ng girl na ‘to. Kunsabagay, ‘yung nanay nga niyang nagkupkop sa kanya, ginawan niya ng isyu noon, eh. Imagine, in-adopt na nga siya, tapos, sinasabi niyang ang higpit-higpit daw ng nanay niya at nasasakal na siya.

Kaya hindi nga imposibleng nag-imbento lang ng kuwentong sexual harrasment ang young actress na ang name sounds like “demonyita”.

 

Angel Locsin, ipinagmalaking ‘iningatan’ siya ni Dingdong DantesEWAN KO ba kumba’t gano’n ang feeling namin. Ilang beses na na-ming napapanood ang trailer, pero dito lang kami laging teary-eyed: sa trailer ng One More Try nina Angelica Panganiban, Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes.

Sabi namin sa Adprom, “Pro-mise, panonoorin ko ‘to sa Pasko, sobrang naiiyak talaga ako. Trailer pa lang, intinding-intindi ko na ang kuwento. Sobrang sapul!”

Imagine, ano’ng gagawin mo kung ikaw ang asawa, pero ikaw na misis, ayaw pang magkaanak. At ‘yung ex-girlfriend ni mister kung saan may anak siya ay nangangailangan ng bone marrow transplant at the only way para madugtungan ang buhay nito ay magkaroon pa siya ng isang kapatid sa parehong ama?

Ipapahiram mo ba ang asawa mo para mailigtas nito ang buhay ng anak nito sa ex-girlfriend?

Nakakalokah, ‘di ba?

Ipinagmamalaki naman ni Angel si Dingdong na sobrang protective sa kanya sa love scene nila. Inii-ngatan nitong makitaan si Angel.

Si Zanjoe naman ay humugot pa ng lakas kay Angel Locsin sa kanilang love scene.

Si Direk Ruel Bayani ang director,  ang direktor lang po ng No Other Woman na umabot sa P250M ang total gross.

 

AND SPEAKING of Angelica Pa-nganiban, gusto naming magpasa-lamat sa kanya sa tsekeng ibinigay niya para sa mga indigent breast cancer patients na itinataguyod ng Philippine Foundation For Breast Care, Inc (na nasa East Avenue Medical Center).

Hiniritan namin sa DM (sa Twitter) ang aming anak-anakan at hindi naman kami nagdalawang-salita, bigay agad siya ng tseke.

Maging si Janice de Belen ay hiniritan din namin ng Christmas gift for the cancer patients at hindi rin kami nagdalawang-salita.

Nauna na si Papa Piolo Pascual na nagbigay. At nakatakdang sumunod si Luis Manzano.

Talagang “hinoholdap” namin ang mga kaibigang artista para sa ibang taong mas nangangailangan kesa sa amin.

Pero ‘pag para sa sarili na, tameme na kami. Hahahaha!

Anyway, thank you sa lahat ng nag-share ng kanilang blessings at bahala na si Lord na gantimpalaan kayo sa kabutihan ng inyong kalooban.

More blessings to come!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING