Angel Locsin, inaming ‘di na babalik si Robin Padilla sa sitcom

ADVERTISING

Angel Locsin, inaming ‘di na babalik si Robin Padilla sa sitcom

Angel Locsin, inaming ‘di na babalik si Robin Padilla sa sitcomHOW TRUE na hindi pinapasok ng ads ang newly-launched bekiserye ng Siyete na My Husband’s Lover?

ADVERTISING

Marami ang nakapuna na kokonti lang daw ang commercials nito noong i-launch ito last Monday. May umiikot na chismis na medyo turn-off daw ang advertisers dahil sa maselan nitong tema.

Three days na nag-trending topic ang teleserye nina Carla Abellana, Tom Rodriguez at Dennis Trillo. Kahit saan kami magpunta ay iyon ang pinanonood ng mga tao. Kilig na kilig sila sa love affair ng characters nina Tom at Dennis lalo na ‘yung eksena noong Wednesday where Tom was dilly dallying kung iki-kiss niya si Dennis who was in the hospital.

Napanood din namin ang pilot episode nito nu’ng Lunes and we must admit na we’re hook by it. Kakaiba kasi ang story line, something which was not done on television before.

ADVERTISING

Naloka kami sa dayalog ni Roi Vinzons nang makita niyang naghaharutan ang dalawang macho gays sa gym.

“Kitang-kita ko ang matres n’yo,” sabi niya.

Hindi ba nakakaloka ang dayalog niya?

Angel Locsin, inaming ‘di na babalik si Robin Padilla sa sitcom

NAKITA NAMIN ang photo ni Dra. Vicki Belo na kasama si Edward Mendez.

Nag-dinner ang dalawa sa bahay yata ni Vicki. Kaswal na kaswal lang ang ayos nila but we noticed na since nasa bahay lang sila ay hindi nakaayos ang cosmetic surgeon. Wala siyang ka-make-up-make-up sa kanyang shot kaya naman nagmukha siyang matanda.

Since she’s into the business of making people look and feel beautiful ay hindi sana nagpakuha si Vicki nang hindi nakaayos.

Actually, maganda naman ang suot niya, kaya lang ay wala siyang make-up kaya nahalata tuloy ang age discrepancy nila ni Edward.

Also, we saw the photo of Zsa Zsa Padilla while undergoing a procedure. Nakunan ng larawan si Zsa Zsa na merong mga nakatusok na karayon yata sa kanyang mukha. Acupuncture facelift ang tawag sa procedure na ‘yon.

We’re just bothered lang since close-up ang kuha kay Zsa Zsa at talagang naloka kami dahil sa merong nakatusok na karayom all over her face.

Teka, alam kaya ni Zsa Zsa na nakunan siya ng picture at ipinost ni Vicki sa social photo sharing service na img.ly?

 

MALAKING FACTOR para kay Angel Locsin na magustuhan ng kanyang ama o ng kanyang kapatid ang lalaking pakakasalan niya.

Sabi ng aktres sa presscon ng Four Sisters And A Wedding ay kailangang may approval at blessing ng father niya ang kanyang mapapangasawa.

“Awa ng Diyos gustung-gusto naman niya si Phil. Importante sa akin kung ano ang sasabihin ng magulang kasi sila ‘yung nagpalaki sa akin. Suwerte ko lang na gusto nila si Phil,” sabi niya.

Ilang buwan nang hindi nakikita sa sitcom niyang Toda Max si Robin Padilla kaya naman may nagtanong kung babalik pa ang action star.

“Actually, ‘yung kay Kuya Binoe, ang nakakaalam naman niyan, kung anuman, ay ang production. Nami-miss na nga  namin siya,” sabi ni Angel.

Hindi na ba talaga babalik si Binoe?

“Ang alam ko hindi, pero depende naman sa kanya o sa production. Sa akin kung makasama ko siya uli, why not? Kasi marami akong natutunan sa kanya. Siya nga ‘yung isa sa mga dahilan kung bakit ako nag-Toda Max,” paliwanag niya.

“Nalungkot kaming lahat nang mawala siya. Nami-miss namin siya,” pahabol pa ng aktres.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING