Angel Locsin inako ang kasalanan sa pagkamatay ng senior citizen na pumila sa kanyang community pantry

Leo Bukas

HUMINGI ng tawad ang aktres na si Angel Locsin sa pamilya ng namatay na senior citizen na pumila sa community pantry na kanyang inorganisa sa Quezon City nitong April 23, Biyernes.

Layunin ni Angel na matulungan sana ang mga kapus-palad sa araw mismo ng kanyang 36th birthday kaya siya nag-organisa ng isang  community pantry pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nahimatay ang isang lalaking balut vendor na kinalaunan ay binawian din ng buhay.
Angel Locsin inako ang kasalanan sa pagkamatay ng senior citizen na pumila sa kanyang community pantry

Ayon pa sa aktres, habang buhay siyang hihingi ng tawad sa pamilya ng mga naulila ng yumaong senior citizen.

Narito ang kabuuang post ng aktres sa kanyang social media account patungkol sa paghingi niya ng sorry sa nangyaring insidente.

“Sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po sya na pumila daw po ng 3am at may naka-initan sa pila.

“Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.

“Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po sya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po syang ama at maayos nyang napalaki ang mga anak nya.

“Sa ngayon po, tinatapos na lang po namin na mabigyan ang mga nakapila. Ang iba po sa kanila ay xerox na ang order sheet nila pero nauunawaan po namin na lahat po ay hirap ngayon at tama lang po na mabigyan sila.

“Meron po kaming tinayong fast lane para sa seniors na tent na may upuan nung mapansin po namin na maraming senior citizens ang nakapila kaninang umaga.

“Pero hindi naman po ibig sabihin na ini-encourage po namin ang mga seniors na lumabas at alam po natin na bawal po according sa iatf rules.

“Pagkatapos po, idodonate na lang po namin ang mga natitirang goods sa ibang community pantries at barangay.

Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari.

“Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this.

Previous articleJukebox King Victor Wood pumanaw sa edad 75 pagkatapos makipaglaban sa covid-19
Next articleKaye Abad gustung-gusto nang bumalik sa pag-arte