Angel Locsin, humingi ng dasal para sa operasyon

ADVERTISING

Angel Locsin, humingi ng dasal para sa operasyon

Angel-LocsinLast Friday nakatakdang operahan sa kanyang likod si Angel Locsin. Bago ang operasyon, humingi ng dasal ang Kapamilya star sa kanyang followers sa Instagram, kasunod ang pasasalamat sa 7 million followers niya sa Twitter.

Isang larawan ang pinost ni Angel sa kanyang IG wall na nagsasabing “Cheers to 7 million followers on Twitter.”

Sa kanyang pasasalamat, sinabi niyang ipagdasal siya sa haharaping operasyon. Sabi ni Angel, kahit hindi raw siya active sa social media, humamig pa rin siya ng 7 million followers. Ayon sa actress, binabasa naman daw niya lahat ng comment kaya ituloy lang daw ang pagpapadala ng mga messages.

Hindi na nagbigay pa ng detalye si Angel sa haharaping back operation. Pero kahit anong panganib na pagdaraanan sa maselang operasyon, hindi siya nagparamdam ng kaba sa mensahe niya sa IG. Sa latest photos ni Angel, kahit kabado ay naka-smile pa rin siya, tanda na nakahanda na siya sa maselang operasyon.

ADVERTISING

Ayon kasi sa mga nakakausap naming tao na ‘yun daw gagawing operasyon sa back ni Angel ay puwedeng ikaparalisa ng kanyang katawan. Sana naman ay walang maging problema at maging tagumpay ang gagawing operasyon kay Angel Locsin.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING