Angel Locsin, hiniwalayan si Phil Younghusband dahil sa pera?!

ADVERTISING

Angel Locsin, hiniwalayan si Phil Younghusband dahil sa pera?!

Angel-Locsin   AS CLAIMED by one very popular website, naghiwalay raw sina Angel Locsin at Phil Younghusband because of money. Yes, datung daw ang cause of their break-up. It is also said na si Angel ang nakipag-break sa binatang player ng Azkals after realizing that she has no future with him.

ADVERTISING

Angel-Locsin-Phil-YounghusbandKasi naman, mas malaking kumita itong si Angel kaysa kay Phil. Marami siyang projects, meron siyang endorsements at meron pa siyang investments, kabilang na rito ang five story condominium.

Sabi pa nga ng ilang mahadera, si Angel pa yata ang gumagastos sa kanilang mga lakad.

Lately rin ay hindi na raw nagkikita ang dalawa dahil sa kabisihan sa kanilang career. Si Phil kasi, kung hindi practice ng football ay laban naman sa ibang bansa ang pinagkakaabalahan, samantalang si Angel naman ay merong inumpisahang taping for her new soap.

ADVERTISING

 Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING