Angel Locsin, gusto nang maging biyenan si Ate Vi!

ADVERTISING

Angel Locsin, gusto nang maging biyenan si Ate Vi!IPINAGTAPAT NI ANGEL Locsin sa press na gusto talaga niyang maging mother-in-law si Vilma Santos. Pero, aminado si Angel na ang sa kanya, may halong paghanga sa isang idolo. Nai-starstruck daw si Angel kay Ate Vi at hindi pa rin ito mawawala kahit ito ang mom ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano.
Puro malalaking artista ang nadidikit sa pangalan ni Angel. Ibig sabihin lang, malapit sa kanya ang stardom at papasok na siya sa liga ng mga ito. Nagawa ni Angel na makabalikwas sa pamamagitan ng Lobo noon, and by careful planning at suporta na rin ng ABS-CBN sa kanya, mas malakas pa sa masang manonood ang ratings ng kasalukuyang Only You na nagtatampok sa kanya kasama sina Diether Ocampo at Sam Milby.
Napalapit din siya kay Sharon Cuneta at nagsabi nga si Mega na si Angel ay type niyang ampunin. Nakatataba ng puso na si Angel ay nagugustuhan ng mga nauna sa kanyang malalaking artista at ito ay tanda ng pagkaka-establish sa kanya bilang big star din naman, na mas pinatindi ng matagumpay at kontrobersyal niyang pagtawid mula sa GMA-7 patungong ABS-CBN.
‘Yun nga lang, sa mga nagtatanong tungkol sa kagustuhan ni Mother Lily Monteverde na pagsamahin sina Sharon Cuneta at Angel Locsin sa bakuran ng Regal Films, mukhang malabo na itong magkatotoo. Super-exclusive na kasi si Angel sa Star Cinema at tanging sa kumpanyang ito na lamang siya makalalabas sa pelikula.
Nilinaw rin ni Angel na talagang tapos na tapos na ang kontrata niya sa Regal Films at nakasiyam na pelikula na nga siya sa walong nakasaad sa kontrata. Ayaw na niyang balikan at palakihin ang isyung ito dahil nagkausap na sila ni Roselle Monteverde tungkol dito.
Basta, ang loyalty ni Angel, nasa ABS-CBN at Star Cinema, at kung sakaling makasama man niya sina Sharon o Vilma sa magkahiwalay na projects, tiyak na sa nabanggit na kumpanya ito magaganap at hindi sa labas.
Ang susunod na assignment ni Angel ay si Aga Muhlach ang makakapareha niya at malamang na idirek ni Cathy Garcia-Molina. Mayroon pa siyang gagawing isa pa na ididirek ni Chito Rono, at pawang naka-schedule ang mga ito this year.

AKTIBO MULI SA akting si Jessa Zaragoza. Kasama siya sa cast ng Rosalinda at iri-release na ng MCA Universal ang kanyang bagong album na bale tribute ng singer sa greatest musical icons. Maganda ang konsepto ng album na ito at fitting comeback para sa minsang tinaguriang Phenomenal Diva.
Nag-mature na rin nga si Jessa. Halatang masaya ito sa buhay at career niyang may bagong sigla. Going stronger ang kanilang pagsasama ni Dingdong Avanzado, at ang positibo pa ring dating, okey lang na mag-promote siya sa SOP at Showbiz Central kahit magkatagpo sila roon ni Rufa Mae Quinto na minsan na niyang nakairingan.
Pero, sabi ni Jessa, “Magkikita at magkikita kami, pero hindi naman ako magpapakaplastik na lalapitan at babatiin ko siya. Mas maganda siguro kung natural na lang na mangyayari, pero para sa akin kasi, wala na ‘yun, eh. Tapos na. Pare-pareho na kaming tahimik.”
Asahan ang pagtatagpong magaganap kina P-chi at Jessa na minsang nagkrus ang landas dahil sa isang lalaki. We’re very sure, knowing these two women, nag-mature na nga sila, pero kilala namin sila bilang mga totoong tao. Palagay namin, magiging maganda ang turn-out ng kanilang pagtatagpo sa GMA-7 kung saan pareho silang naglilingkod, at si Jessa nga, mayroon pang pino-promote na bagong teleserye.

ADVERTISING

Calm Ever
Archie de Calma

ADVERTISING