Angel Locsin, gusto na rin si John Lloyd Cruz!

SEKSING-SEKSI SI CRISTINE Reyes  sa suot niyang black leather mini-dress na nakabukas ang zipper sa dibdib nu’ng dumating sa presscon ng FHM para sa announcement ng sexiest female stars nila for this year. Si Cristine ang tinanghal na number one sa listahan ng FHM via text votes.

Naitanong namin kay Cristine ang isyu ng pag-alis niya sa ABS-CBN. Itinanggi ni Cristine na hindi na siya masaya sa Kapamilya nework.

“Wala akong sinabing ganu’n. Sabi ko palagi, thankful ako dahil sa malaking tiwalang ibinigay nila. Talagang napakalaki naman noon dahil sobrang bago lang ako, binigyan nila ako ng malaking project. So, thankful ako roon dahil pinagkatiwalaan nila ako dahil roon,” pahayag ni Cristine.

Wala naman daw ipinangako sa kanya ang ABS-CBN na hindi natupad. Inaayos na raw ng manager niya na si Veronique del Rosario ang kontrata niya sa ABS-CBN. At ayon naman kay Veronique, may ino-offer naman daw ang ABS-CBN na Cristine Reyes series para sa Precious Hearts Romance. Nasa ibang network na lang na interesado kay Cristine kung gusto nilang tapatan ang offer para makuha ang young actress.

Nilinaw din ni Cristine na hindi niya sinabing bad breath si Jake Cuenca.

“Uhm, masasabi ko lang, kung saan nanggaling or what, basta thankful ako dahil at least si Jake hindi siya naniniwalanga sa akin galing ‘yun. Okey kami. Wala namang nangyari hindi maganda sa amin, so, hindi ko alam kung bakit may lumabas na ganu’n.”

NASULIT LAHAT NG pagod ni Angel Locsin sa paggawa niya ng kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN last year, ang Lobo. Nanalo kamakailan ang serye sa Telenovela Program category ng 2009 Banff World Television Festival sa Canada.

Pero ngayon, marami rin ang nagkakagusto sa role niya bilang si Jillian sa number one primetime show sa bansa, ang  Only You.

“Uh, puwede nating sabihin na kaka-transfer ko lang noon dito (ABS-CBN) nu’ng ginawa ko ang Lobo. P’wede rin po siguro dahil mas maraming problema, mas maraming pangyayari. At gusto nu’ng tao na light lang. ‘Yung maaaliw sila.  Lahat ng mga Pilipino kasi mahilig kumain. ‘Yun ang pinakaimportante sa atin, e. Mabusog lang tayo, makakain lang tayo ng tatlong beses isang araw okey na. So, ‘yun ang nakikita ko siguro kaya mas type nila si Jillian,” esplika ni Angel.

We heard ang susunod na teleserye ni Angel sa ABS-CBN with John Lloyd Cruz ay may pagka-Twilight ang dating. So, from being a lobo magiging bampira naman si Angel?

“Hindi ko po kasi naririnig kung ano ‘yung susunod na project ko. ‘Tsaka medyo mapili ang ABS-CBN sa paggawa ng proyekto, marami munang pini-present ‘yan na mga soap, mga project. Tapos titingnan nila kung ano ‘yung mas magugustuhan nila.”

Excited na si Angel na makatrabaho ni John Lloyd.

“Pero magwo-workshop muna ako. Para hindi ako magkaroon ng steering problem sa kanya. Sana, pero depende naman po ‘yun sa management kung sino sa tingin nila ang napapanahon, nararapat, nababagay. Pero si John Lloyd ‘yung isa sa mga gusto kong makapareho.”

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Previous articleGuesswhodoes: Jiro Manio does the “Iwas Parazzi”
Next articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #94

No posts to display