ANGEL LOCSIN, GINAGAMIT NI PHIL YOUNGHUSBAND?

ADVERTISING

ANGEL LOCSIN, GINAGAMIT NI PHIL YOUNGHUSBAND?NANG LUMIPAT SI Cristine Reyes sa ABS-CBN, ipinangalandakan niya noon na bukod sa mga teleserye ay mayroon din siyang mga pelikulang gagawin sa Star Cinema. Pero nasa pangalawang kontrata na siya sa Dos, wala pa rin siyang pelikulang nagagawa. Puro teleserye ang kanyang nagawa, gaya ng Eva Fonda at nitong huli’y sa Kristine. Kaya hindi pa rin masasabing naungusan na niya ang sister niyang si Ara Mina, na nakagawa na ng maraming pelikula at nagka-award pa.

Parang mauudlot ang kasikatan ni Cristine. Kahit napakaseksi niya, hindi na rin naman siya bumabata. Makakatulong din ba sa kanya ang pakikipagrelasyon kay Rayver Cruz? Saan sila parehong pupulutin kung ganyang habang pinagpapantasyahan pa sila ng kanilang mga tagahanga ay naipa-ngalandakan na ang kanilang relasyon? Delikado rin ito sa parte ng career ni Rayver, dahil wala pang katiyakan ang kanyang kasikatan. Galing lang sa pagsasayaw ang napatunayan niya.

ADVERTISING

Hindi lang kasi si Cristine ang medyo nagpapaseksi sa kanilang pinagbibidahang teleserye. Nariyan na sina Shaina Magdayao (Alyna), Jessy Mendiola (Sabel) at si Melissa Ricks, na ipapalabas na rin ang bagong teleserye. Kung kinis din lang ng kutis at kaseksihan ang labanan, may kaagaw na talaga si Cristine sa atensiyon ng mga kalalakihan!

WALA NAMANG PROBLEMA kay Angel Locsin kung sa mga panahong ito ay bukambibig ni Phil Younghusband, maging ng kanyang mga kasamahan sa Azkals, ang kanyang pa-ngalan. Kaya lang, maraming mga taong lumalapit sa kanya at nagmamalasakit ang nagsasabing maghinay-hinay rin sa pakikipagmabutihan sa sikat na manlalaro. Masyado na siyang nagagamit.

Isa sa mga nakakabilib na magandang ugali ni Angel ay ‘yung napakabilis mapalapit ng kanyang loob sa mga taong lumalapit sa kanya. Pero marunong naman siyang mag-ingat. Likas sa ugali ng ex-girlfriend ni Luis Manzano ang pahalagahan ang damdamin ng ibang tao. Kaya naaawa siya ngayon kay Phil, dahil maraming nag-aakusa sa binata na siya ay isang uri ng mangga (as in, mangga-gamit!).

ADVERTISING

Nakaharap at nakausap na rin namin si Phil, bukod sa marespeto siyang tao, may sincerity naman siya sa kanyang mga sinasabi. Baka naramdaman at napansin din ‘yon ni Angel sa kanilang pagkikilala.

Noon pa naman gusto ni Phil na mag-artista, kaya lang ay hindi na siya nabigyan ng pagkakataon sa GMA-7 pagkatapos niyang sumali sa isang singing contest sa TV network. Sobrang baluktot din ang kanyang dila sa pagsasalita ng Tagalog, kaya siguro walang project na naibigay ang Kapuso.

Sikat ulit si Phil nga-yon, kaya abangan na lang natin kung makakatsamba na siyang kilalanin at magkaroon ng break sa showbiz, para hindi na siya intrigahing ginagamit lang si Angel.

ANGEL LOCSIN, GINAGAMIT NI PHIL YOUNGHUSBAND?

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING