Angel Locsin, focus muna sa wedding preparation after ‘The General’s Daughter

ADVERTISING

Angel Locsin, focus muna sa wedding preparation after ‘The General’s Daughter

Angel Locsin, focus muna sa wedding preparation after ‘The General’s Daughter
Angel Locsin

ENDING na sa October 4 ang trending at pinag-uusapang teleserye ni Angel Locsin na The General’s Daughter sa ABS-CBN. Ayon sa aktres, ang TGD ang longest teleserye na nagawa niya kaya masaya siyang naging bahagi nito.

Simula nang mapanood ang The General’s Daughter noong Enero, mahigpit ang kapit ng mga manonood sa serye na nagdulot ng araw-araw na panalo nito sa nationwide ratings, pag-ulan ng mga papuri para sa all-star cast nito, at mainit na usap-usapan sa social media.

Ibinahagi ni Angel kung ano ang plano niyang gawin pagkataos ng kanyang teleserye.

“After The General’s Daughter aayusin ko muna ‘yung health ko ulit, sa dami ng binagsak ko, magpapapagaling po ulit ko and ayusin ko po ang kasal ko. I think yon po ‘yung mas malaking challenge, mas mahirap na challenge po na papasukin ko and good luck na lang po talaga sa akin,” lahad ni Angel. 

ADVERTISING

When asked kung gagawa ba ulit siya ng pelikula, aniya, “ Meron po akong four na pending movies po sa Star Cinema na kailangan ko pong gawin bago ko po matapos ang contract ko. Ayaw ko po munang pagusapan kasi ako kasi kapag wala pa talaga sa harap ko hindi pa talaga siya tuloy, eh.”

Kung siya raw ang masusunod ay gusto muna niyang gumawa ng mga projects – teleserye o movies – bago siya ikasal.

“Ako kasi five years ‘yung break ko so gusto ko magtrabaho ulit pero I think siguro for a few months magpapahinga muna ako. May aasikasuhin muna ako na mga personal and then back to work again,” sabi pa niya.

 
 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING