Angel Locsin experienced gun point!

ADVERTISING

Angel Locsin experienced gun point!

Angel Locsin experienced gun point! NABULABOG ANG STAFF and crew ng programang Imortal noong Biyernes, Abril 8, sa inasal ng isa sa mga kapitbahay ng may-ari ng tahanan kung saan kinukunan ang ilan sa mahahalagang eksena ng teleserye.

Ayon sa Tweet update ni Angel Locsin, “Still taping for Imortal.. The neighbor of the house that we’re using cocked his gun at us. Super foul. I hope he has a twitter account para mabasa nya to, puntahan kami, so I could punch his stupid face. Jerk. Grr. But seriously, yeah”.

Sa ngayon ay wala pang balita sa kung anuman ang kinahinatnan nang biglaang pagsugod ng nasabing residente. Magtatapos na ang Imortal nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz ngayong buwan.

IWA MOTO, KINUYOG SA TWITTER DAHIL SA PAGKAMPI KAY WILLIE REVILLAME!

ADVERTISING

Hindi nakaligtas si Iwa Moto sa galit ng mga anti-Willie Revillame sa Twitter noong Biyernes. Nagpahayag lamang ng opinion ang sexy actress, pero hindi ito pinalampas ng mga apektadong tao.

“Hindi sa may kinakampihan ako pero i think tama ung mga sinasabi ni willie. D naman nya alam na un ang sasayawin ng bata. Sana wag po tayong mag slita ng masakit. D dahil un ang nakikita nating image ng tao sa tv un na sya agad.” Nag-reply agad sa kanyang Twit ang ilang users at pati ang kapwa Kapuso star na Vaness del Moral ay kinuyog ng mga tao. Nag-uumapaw ang galit ng i-lang tao nang mapanood ang napakahabang speech ni Willie Revillame sa Willing Willie noong Biyernes.

LOVI POE, PINILI NI DINGDONG DANTES BILANG LEADING LADY SA BAGONG PELIKULA!

Gagawa ng isang horror film si Dingdong Dantes sa ilalim ng Reality Entertainment. Ito ay ang Aswang, mula sa panulat at direksyon ng nagbabalik-pelikula na si Erik Matti. Sa lahat ng mga babaeng p’wedeng maging leading lady sa pelikula, ang award-winning actress na si Lovi Poe ang first and only choice ni Dingdong.

Ayon sa aktor, bagay sa aura ni Lovi ang nasabing karakter. Busy ngayon ang dalagang anak ni FPJ sa kanyang mga showbiz commitments pagkatapos makasungkit ng Best Actress awards. Nakatakdang gawin ni Lovi ang Temptation Island at My Neighbor’s Wife sa Regal Films, samantalang isa rin siya sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING