Angel Locsin, excited na sa movie nila ng soon-to-be biyenang si Gov. Vilma Santos

ADVERTISING

Angel Locsin, excited na sa movie nila ng soon-to-be biyenang si Gov. Vilma Santos

Angel-LocsinNAG-STORY CONFERENCE na si Angel Locsin para sa pelikulang nakatakda niyang gawin sa Star Cinema kasama ang Star For All Seasons na si Vilma Santos. Ayon sa aktres, malamang na masimulan na nila ang syuting ng pelikula na as of now ay wala pang title bago matapos ang taon.
Tuloy pa rin ang Darna movie ni Angel, pero aniya, next year pa raw ito kukunan.

Malaki na ang ipinayat ni Angel bilang paghahanda sa Darna. Pero hindi raw naman makaaapekto ang figure niya sa gagawin nilang movie ng soon to be mother-in-law niya.

Dream come true para kay Angel na makatrabaho ang gobernador ng Batangas. Sobrang nai-impress din daw siya sa mga achievement nito at wish niya na sana raw kahit kalahati man lang nang na-achieve ni Gov. Vi ay marating din niya.

“I’m super excited na to work with her. Kinakabahan ako pero alam ko na marami akong matututunan sa kanya,” sey pa ni Angel.

ADVERTISING

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING