Angel Locsin doesn’t want to go in details on the real score of romance with Phil Younghusband

ADVERTISING

Angel Locsin doesn’t want to go in details on the real score of romance with Phil Younghusband

Angel Locsin doesn’t want to go in details on the real score of romance with Phil Younghusband

ADVERTISING

ANG DATING NI Angel Locsin sa nga-yon ay para siyang nagpapaikot ng mga tao sa kanyang  paligid,  na   kailangang manghula na lang ang tao o magkasya sa paniniwalang “What you see is what you get” sa closeness nilang dalawa ni Phil Younghusband. Iba kasi ang sinasabi ni Angel kesa sa kanyang mga ginagawa o ikinikilos. Sinasabi niyang hindi siya nagmamadali sa patutunguhan ng closeness nila ni Phil, kaya marami ang bitin na bitin kung bakit wala pang aminan portion.

Kumbaga, ang mga salitang namumutawi mula kay Angel ay hindi nagmamadali. Kaya lang, ang kanya namang katawan ay laging kasama ni Phil. Ang mga ikinikilos ni Angel sa harapan ni Phil ay hindi eksaktong kilos ng isang babaeng hindi nagmamadali. Naghahalikan na sila. Nagpapahiran ng pawis. Kakaiba rin ang kilig na mahahalata mo sa kanilang dalawa, lalo na kay Angel kapag magkatabi sila. Ano ‘yon, pampakiliti lang sa mga fans?

Nakapagdududa si Angel. Kasi nga, madamot naman talaga siya kapag mayroon siyang lovelife. Ganyan siya nu’ng ang karelasyon niyang si Oyo Sotto ay hindi rin maingay na magkuwento tungkol sa relasyon. Naging matsika lang si Angel sa kani-lang naging relasyon nila noon ni Luis Manzano, dahil maingay si Manzano at hindi nagdamot ipaalam sa buong showbiz na sila na noon. Ewan sa kadramahan ngayon ni Angel, kung bakit pati si Phil ay wala pa ring  maging direktang pag-amin kung sila na ba talaga ng magandang aktres.

ADVERTISING

 

BLIND ITEM: SIKAT na sikat ang singer-actress na bida sa ating kuwento ngayon. Itago na lang natin siya sa screen name na Amalia Nocum. Gumawa talaga siya ng sariling kuwento ng kasikatan na siya lamang ang may kaya. Pero, kahit na narating niya ang tugatog ng tagumpay, marami ang bilib sa kanyang ugali, dahil hindi siya mayabang. Sobra siyang mahiyain. Hitsurang kailangang palakasin mo muna ang kanyang loob bago siya umakyat sa entablado para kumanta.

‘Yung sobrang pagiging mahiyain, kimi at kasimplehan ni Amalia ay may nakatago palang lihim. Mahilig pala siya sa sex.  Mahilig siya sa mga lalaking pang-romansa na mga astig ang dating. Hindi rin siya kumikilos para mang-akit ng mga kalalakihan. Maraming pera si Amalia, kaya hinahatagan niya ng datung ang mga kaibigang bakla sa showbiz, para sila ang kumontak ng mga kalalakihang makakakuyangyangan niya sa kama.

Sumikat ang singer na si Aljur Fernando sa showbiz. Nag-hit kasi ang kanyang mga kanta, kaya naintriga sa kanya si Amalia. Simple lang ang kaguwapuhan ni Aljur, matangkad, kayumanggi at balitang may alagang tuta sa pagitan ng kanyang dalawang hita. Sa pamamagitan ng mga kaibigang bading ni Amalia, ipinara-ting nila kay Aljur ang pagnanasa sa kanya ng singer-actress. Natuwa ang male singer, dahil malaking pangalan sa music industry si Miss Nocum para maakit sa kanya.

Nagkaroon ng flower festival sa Baguio City at kasama sa mga sikat na magpe-perform sina Amalia at Aljur. Sa iisang van sumakay sina Amalia at Aljur. Sa  biyahe  mula Manila patungong Baguio, hindi na pinakawalan ni Amalia si Aljur.  Speechless ang driver at ang limang baklang kasama nila sa biyahe, dahil bukod sa umuugang sasakyan dahil sa biyahe, ay may kakaibang “pagyanig” na nagaganap sa loob, gawing likuran ng van kung saan naroon ang mga mang-aawit.  Patay ang ilaw. Alam na nila ang himalang nagaganap. Nabiktima na ng kamandag at alindog ni Amalia ang mapagbigay sa sex na si Aljur. Mababait ang limang bading. Hindi na nila ibinuking ang nangyari sa dalawang mang-aawit, dahil may asawa si Aljur, at kakahiwalay lang ni Amalia sa kanyang husband nang mga panahong iyon. Hulaan n’yo na lang kung sinu-sino sila. Walang clue. Mga sikat pa kasi sila hanggang ngayon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING