Angel Locsin, dinaramdam ang isyu ng pagpapalit na naman ng manager

Angel Locsin, dinaramdam ang isyu ng pagpapalit na naman ng manager

Angel Locsin, dinaramdam ang isyu ng pagpapalit na naman ng managerMabigat talaga ang pinagdaraanan ngayon ni Angel Locsin, dahil sa gusot sa relasyon nila ni Luis Manzano. Pangalawang ulit na nila itong pagkakaroon nila ng problema. Pero ang mas nasasaktan ang magandang aktres ay ‘yung nangyayari ngayon na parang mayroong humihila sa kanya pababa.  Nararamdaman niya na mayroong mga taong gusto siyang sirain sa panahong ito, na aminado siyang hindi talaga okey ang mga nangyayari.

Pagkatapos ng kaabalahan ni Angel Locsin sa naging promo nila para sa pelikulang “Everything About Her” ng Star Cinema ay isa siya sa mga judges sa “Pilipinas Got Talent” ng ABS-CBN, kaya kesa tuluyang magmukmok ay mayroon siyang mga bagong pinagkakaabalahan. May konti pa rin naman siyang dinaramdam tungkol sa kanyang health, pero gusto rin naman niyang mayroon siyang trabaho, para makabalanse siya sa mga nangyayari sa ngayon.

Hindi lang naman ‘yung sa kanila ni Luis ang pakikipagrelasyong dinaanan ni Angel na nauwi sa hiwalayan. Matibay na rin siya pagdating sa mga dagok sa puso. Pero ang isa pang ikinalulungkot ng magandang aktres ay kung bakit parang isyu rin para sa ibang tao na iba na naman ulit ngayon ang kanyang talent manager. Pero kung iisipin, bakit ba papalit-palit siya ng talent manager? Sabi kasi ng yumaong si Tito Douglas Quijano, ang artista raw na papalit-palit ng manager ay may problema.

ChorBA!
by Melchor Bautista