Angel Locsin, ‘di naghahabol kay Luis Manzano? – Julie Bonifacio

ADVERTISING

Angel Locsin, 'di naghahabol kay Luis Manzano? - Julie Bonifacio

HINDI NATULOY UMALIS ng Pilipinas patungong Amerika si Angel Locsin. Kinapos kasi sa araw ng pagpa-process ng kanyang working visa. Last Thursday lang nakapunta si Angel sa US Embassy para mag-apply for a working visa. Nagulat na lang ang aktres kinabukasan na walang opisina ang US Embassy dahil deklaradong holiday ang August 21.

ADVERTISING

Nakatakda sanang pumunta sa US si Angel with her manager Becky Aguila at pinsang si Mario Colmenares dahil sa imbitasyon ng  TFC subscribers doon na sumuporta sa Only You.  Wala na rin kasing ibang oras si Angel na pumunta ng US Embassy para mas naagang kumuha ng visa dahil five straight days na tinapos niya ang taping ng nasabing soap.

Nu’ng Lunes lumipad naman siya patungong Korea para sa isang commercial shoot. And this week, babalik siya ulit ng Korea for the commercial shoot.

Ayon sa isang source, sa sobrang kangaragan ni Angel these past few weeks kaya hindi nila nakitaan ng lungkot at depression ang akres dahil sa nababalitang break-up nila ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

ADVERTISING

Usually raw kasi, makikita nila na umiiyak ang aktres at nagmumukmok pagkatapos ng isang relasyon. This time, the usual self pa rin daw si Angel at wala namang kinukwento sa kanila tungkol sa hiwalayan nila ni Luis. Ang saya-saya pa nga raw ni Angel nu’ng manood siya ng concert ni Lady Gaga nu’ng Martes.

Kung meron man daw sila na napansin these past few weeks, e, ‘yun ang hindi na pagpunta ni Luis sa bahay nila.

NGAYONG LUNES SASABIHIN ng magkasintahang sina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez kung alin sa tatlong simbahan na pinagpipilian nila ang kanilang final choice para sa tinawag na ‘People’s Wedding’ on October 23. Pero ramdam (pahiram Sen. Mar) naming mas pipiliin nila ang Manila Cathedral over Sto. Domingo and Quiapo church.

“Kasi ilang beses na akong nagsimba ro’n, ilang beses na akong nag-ninong doon, at nagandahan ako sa loob at labas. Sabi nga, makasaysayan. Kaya sabi ko sa sarili ko noon, pagdating ng araw ng kasal ko, gusto ko rin dito. At gusto kong bigyan ng elegansiya ng araw ng kasal,” lahad ni Senator Mar.

Mukhang out kay Sen. Mar ang Quiapo church for his wedding dahil sa  isang hindi magandang alaala na nangyari sa kanyang mga magulang.

“Kasi nu’ng bombing, nandu’n ang magulang ko at tinamaan sila at puro shrapnels ang binti. So, ‘yun ang naalala ko kapag Quiapo, hindi maganda ang experience ko.”

Nakatoka kay Sen. Mar ang wedding ring na gagamitin sa kasal at ang honeymoon nila ni Korina. The rest, si Tita Koring na ang bahala. Ayaw ng magarbong wedding ring na maraming bato ni Sen. Mar, so, we suggested a platinum kind of wedding ring.

Sa kanilang honeymoon naman mas type ni Sen. Mar ang road trip. Dalawa sana ang option niya, e. Isa dito sa Pinas pero nahalata agad niya na hindi ito type ni Tita Koring. So, mas malamang na matuloy ang isa pa’ng option na sa abroad sila pumunta at sumakay sa Orient Express train na papuntang Russia.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

ADVERTISING