Angel Locsin, ‘di na dapat gumanap na Darna sa Dos!

ADVERTISING

Angel Locsin, ‘di na dapat gumanap na Darna sa Dos!

Angel Locsin, ‘di na dapat gumanap na Darna sa Dos!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Lipad, Darna… Lipad! ‘Yan ang isa sa mga pelikula ni Vilma Santos na talagang sa lahat ng naging Darna sa pelikula, siya ang natatanging bagay na maging Darna. Ngayon kasi, pinagtatalunan kung sino ang dapat na maging o gumanap na Darna sa ABS-CBN. Sa Channel 2 na kasi ang rites ng nasabing istorya.

Marami ang mga reaksiyon sa balitang pagganap ni Angel Locsin bilang Darna. May mga ilan naman na gustong makita ulit ang magandang pigura ni Angel sa kanyang Darna costume, na kung mas bongga ba ang ginamit niya noon sa kabilang istasyon. Sa true lang, matagal nang hindi nagpapakita ng kaseksihan ng kanyang katawan ang ex-GF ni Luis Manzano.

May mga nang-iintriga kasi na hindi na raw bagay kay Angel ang Darna, kasi medyo lumobo na ang katawan nito mula nu’ng naging GF ito ni Phil Younghusband. Kaya pinagpipilian ngayon sina Cristine Reyes, Maja Salvador, Shaina Magdayao at Sarah Geronimo.

ADVERTISING

Ang nakakaloka, sa apat na nabanggit ko, parang hindi naman nababagay kay Sarah Geronimo ang Darna. Kasi maraming nagsasabing puwede lang siyang gumanap na kasambahay, kasi wala siyang katawan. Kumanta na lang siya at walang pipigil sa kanya.

At tungkol naman kay Angel, dapat daw na ibigay rito na role ay tulad ng role ni Vilma, Lorna Tolentino at Maricel Soriano. Kasi magaling talagang umarte si Angel. Isa pa, kayang-kaya niyang gumanap nang matured role kahit na nanay ng mga bagets sa Dos. Mas malalim na pag-arte na puwede nang ihilera sa mga premyadong aktres, at ‘yun na ang dapat ibigay na role kay Angel Locsin para mas lalong tumagal at maging matatag ang kalalagyan niya sa showbiz industry.

Hindi basehan sa mga artista ang pagiging popular, kasi may talagang popular d’yan na ‘pag inabuso mo ang sarili mo, at tanggap nang tanggap ng kung anu-anong role, take note, hindi ka magtatagal unless marami kang fans na talagang nagtitiwala sa iyong kakayahan.

Kahit anong role na ibigay sa iyo ay kaya mo, tulad na lang halimbawa si Vilma na halos lahat ng role ay nagampanan na, maging isang burlesk queen. Pero ang kanyang katunggali, hindi kayang magpaseksi kasi losyang na dahil sa kapabayaan sa kanyang sarili.

Angel Locsin, ‘di na dapat gumanap na Darna sa Dos!

MAIBA NAMAN tayo. Hindi kasi ako makapaniwala sa tungkol sa kalusugan ng isa sa mga respetadong artista na si Manoy Eddie Garcia. Nakasama ko ito for the first time sa pelikulang Talo, Tabla, Panalo na malapit nang ipalabas. Nakita ko na ang trailer, napakagandang pelikula.

Isang buwan nga raw mamahinga si Manoy Eddie, ayon sa payo ng kayang doctor. Pero ilan ang nagsasabi na walang dapat ipag-alala sa kalagayan ni Manoy Eddie. Okey naman siya.

Sa ginanap na isang presscon kasi, hindi dumating si Eddie na isa sa major casts ng pelikulang Bwakaw. Kaya nga sa siyang teleserye sa GMA-7, pinalitan na siya na siya sana ang gaganap na bida sa Aso ni San Roque. Pero hindi naman siya tinanggal, bagkus ay may role naman siya. Kaya lang hindi na araw-araw ang taping, at kung kaya na niya, kukunan na siya sa kanyang role bilang supremo.

Ipinalit kay Eddie ay ang isa pang maga-ling na artistang si Pen Medina na siyang gaganap na Mother Ben. Hindi ito ang unang role ni Pen na beki, may mga nagawa na rin siyang beki ang role niya na nagustuhan naman ng mga manonood.

Okey, happy weekend na naman po. Ugaliing makinig sa aking program sa DZRH.TV, Sunday, 2-3 pm, at sa Pinoy Radio UK, 6-8 pm Manila Time, at 11 am – 1 pm, London Time via Skype. Siyempre sa DWSS, Monday to Friday, 11:30 am.

Sa mga Vilmanian, mabuhay kayong lahat!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING