Angel Locsin Dancing Videos

Ipinagdiriwang ngayon ni Angel Locsin ang kanyang ika-24 na kaarawan. Maraming nais ipasalamat si Angel sa lahat ng biyayang natatanggap nya mapa-karir, pamilya o lovelife man yan.
Ang seksing aktres ang bida sa Pinoy version ng koreanovelang Only You na mapapanood na sa ABS-CBN Primetime Bida sa susunod na linggo. Gaganap siya bilang si Jillian, isang Pinay na gustong maging isang magaling na chef. Ang kanyang mga leading men ay sina Sam Milby, na swak na swak sa karakter ni TJ at si Diether Ocampo na para sa amin ay mas nakitaan ng chemistry sa ating dalagang bida.

Noong nakaraang buwan ay tuluyan na rin napasali si Angel Locsin bilang isa sa mga regular performers ng ASAP ’09. Kalakip sa entry na ito ang isang video ni Angel Locsin kung saan sumasayaw siya para sa naturang programa. Sa totoo lang, ang galing ni Angel sumayaw. Bakit nga ba hindi niya nailabas ang talento niya sa paggiling nung kapuso pa siya? Yun na!

PAHABOL! Eto ang isa pang video ni Angel Locsin habang sumasayaw para sa kanyang birthday celebration sa ASAP noong nakaraang taon. Marami ang bumilib sa pagiging graceful ng aktres sa kanyang pagsasayaw.

Angel Locsin’s 22nd Birthday Dancing Video

Previous articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #54
Next articleMocha Uson and Joross Gamboa Kissing

No posts to display