Angel Locsin, confirmed Phil Younghusband followed her in Hong Kong!

ADVERTISING

Angel Locsin, confirmed Phil Younghusband followed her in Hong Kong!

Angel Locsin, confirmed Phil Younghusband followed her in Hong Kong!MARAMI ANG NAIINTRIGA kung sina Angel Locin at Phil Younghusband na raw nga ba.  Although wala pang pag-amin na naririnig from them, may mga naghihinala na baka may relasyon na nga sila. Lalo pa at kamakailan ay lumabas sa mga blogs at may pictures pa ang dalawa na sabi’y magkasamang nagbakasyon sa Hong Kong nitong nakaraang Holy Week.

ADVERTISING

Siyempre pa, hindi maiiwasang usisain ng press si Angel tungkol dito at sa mga pictures ngang lumabas na magkasama sila ni Phil sa maikling bakasyon abroad. Pero ayaw na raw magkuwento pa ng aktres tungkol dito.

Gano’n pa man, hindi naman itinanggi ni Angel na sumunod nga raw sa kanya si Phil sa Hong Kong, kung saan kasama niya ring nagbakasyon doon ang kaibigang si Bubbles Paraiso. Birthday raw kasi niya (last April 23).

Kapag tungkol sa lovelife, wala ngang anumang maririnig from her. Although sa hitsura niya na laging blooming at mukhang inspired, hindi mo iisiping wala nga siyang special someone sa ngayon.

ADVERTISING

Happy raw siya at thankful sa nangyayari sa buhay niya ngayon pati sa kanyang career. Pero sa tanong kung sino ang nagpapatibok sa puso niya, tikom talaga ang bibig ng dalaga. Tumatawa lang siya. Huwag na lang daw tanungin ang tungkol do’n.

Tungkol naman sa pagtatapos ng primetime series nila ni John Lloyd Cruz na Imortal, thankful daw si Angel sa lahat ng sumubaybay rito. Ang nasabing serye ay talagang iti-treasure daw niya pati na ang lahat ng sumuporta at naging parte ng nabanggit na programa.

Marami raw mami-miss si Angel. Una na raw ay ‘yong magandang samahang nabuo sa kanila ng buong cast, direktor, at production staff ng Imortal dahil iba nga raw kasi ang naging bonding nila. Tapos ‘yong mga tweets sa kanya na magagandang feedbacks tungkol sa gabi-gabing pag-ere nito.

Ang televiewers din naman, siguradong mami-miss din si Angel. Matagal-tagal din siguro bago ulit siya mapanood sa primetime ng ABS-CBN. But for sure, isang bonggang serye na naman ang pagbibidahan niya in the future.

Naman!

TAMA LANG NA sundin ni Lovi Poe ang payo ng kanyang manager na si Leo Dominguez na umiwas na sa mga tanong tungkol sa ex-boyfriend niyang si Jolo Revilla. Usap-usapan kasi lately ang tungkol sa nangyaring pagkikita nila sa Boracay, kung saan balitang nag-deadmahan lang nga raw sila.

Siyempre, the press people will ask her about it. Pero para makaiwas na nga sa posibleng mga panibagong intriga sa kanila ni Jolo, mabuting huwag na ngang mag-entertain ng questions si Lovi tungkol sa dati niyang naka-relasyon.

Aniya na lang nga, “Na-closed na namin ang chapter na ‘yon. There’s no need to go back.”

Oo nga naman. Lalo pa at pareho naman silang masaya sa kanya-kanya nilang buhay sa ngayon.

Si Lovi, bumubongga ang career sa ngayon. Bukod sa sunud-sunod na projects, kapapanalo rin niyang best actress sa Golden Screen Awards para sa mahusay niyang pagganap bilang bastardang anak ng isang mayor sa pelikulang Mayohan.

Mukhang tamang career move nga ang ginawa ni Lovi na medyo maging game na   sa  pagiging  daring onscreen. Pinag-uusapan sa ngayon ang bahagyang pagpapa-sexy niya sa remake ng pelikulang Temptation Island. Hindi pa nga naipalalabas ang proyektong ito, may kasunod na kaagad siyang pelikulang gagawin sa bakuran pa rin ng Regal Films. Ito ay ang My Neighbor’s Wife na sexy pa rin ang kanyang role.

She feels nervous daw sa bagong pelikula niya wherein she’ll play the role of Dennis Trillo’s wife at makakasama rin nila sina Jake Cuenca at Carla Abellana. Pero paninindigan na niya ang desisyon niyang maging game na sa medyo mature at daring roles, kaya raw – go lang nang go!

Pero… okey lang kaya ito kay Ro-nald Singson? ‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING