Angel Locsin, birthday wish na sana si Neil Arce na?

ADVERTISING

Angel Locsin, birthday wish na sana si Neil Arce na?

Angel Locsin, birthday wish na sana si Neil Arce na?
SA birthday salubong kay Angel Locsin, naringgan umano ang dalaga na nag-wish nang “Sana siya na!” patungkol sa “relasyon” umano nila ni Neil Arce.

WALA nang kokontra! Basta happy si Angel Locsin, happy na rin kami.

Yes! On her 32nd birthday ay kasama niya ang film producer na si Niel Arce of N2 Productions na ex-boyfie Bela Padilla. Si Neil din ang producer ng film nina Bela at Jericho Rosales na “Luck At First Sight”.

Sa isang “salubong” birthday party for Angel gabi ng April 22 sa isang resto-bar sa Pasig, magkasama sila ni Neil.

ADVERTISING

Obserbasyon ng mga taong naroroon sa party para sa aktres, masaya si Angel lalo pa’t hindi mapaghiwalay ang dalawa.

From a very reliable source na naroon sa masayang ganap that evening, totoo ba na ang wish ng aktres noong binu-blow niya ang candle sa cake ay naringgan ito na nagbitaw ng salitang, “Sana siya na!”

Siya na! Yes, baka nga si Niel Arce na nga! Siya na nga.

Basta ang mahalaga, happy ka, dear. ‘Yun lang, sapat na!

ADVERTISING