Angel Locsin, binansagang racist dahil sa tweet

Angel Locsin, binansagang racist dahil sa tweet

Angel-LocsinBINANSAGANG RACIST si Angel Locsin all because of a tweet.

“Lugi naman kasi tayo eh.. hindi natin makita kung may black eye na si mayweather.. #MannyvsMayweather,” tweet ni Angel.

Ayun, super bash na ang mga tao sa social media kay Angel who retorted, “Sorry sa harsh tweets mahirap, pero I’ll try to move on na! proud of you Manny! Congratulations to Mayweather! He’s a good strategist”

Todo depensa naman ang fans ni Angel just like this one who said, “Big names and celebrities lang naman ang napapansin ng mga hypercrites na mga jeje na mga ito! eh normal kaya yang mga ganyang biruan sa mga kanto kanto, umpukan, mga erpat niyo habang nagiinuman, tapos magbabalat sibuyas kayo na racist yung comment????!!!! Tigilan niyo yang mga fake concern niyo abt apartheid o racism ha!”

“yun comment ni angel normal na yan satin mga pinoy, yun iba nga tinatawag pang nakalutang ang damit sa sobrang itim eh. kaso artista sya kaya natitira..pero aminin man natin, lahat tayo nainis sa laban kaya nakakapagsalita tayo ng pintas,” say ng isa pang fan ni Angel.

“i don’t see the ‘racist’ part sa tweets niya, and besides.. totoo naman di ba? kadalasan kasi yung mga tao lang ang nagsasabing racist. hindi ba nga, depende kung anong side ang titignan o bibigyan mong pansin. i wonder if ni minsan hindi nag comment ng ganyan ang mga namumunang racist ang tweets niya. mga pilipino kasi hilig pinapalaki ang mga issue!” depensa naman ng isa pa.

Actually, parang nagjo-joke lang si Angel. Hindi namin makita ang racist part sa tweet niya. Ang hirap kasi sa mga tao, hindi marunong tumanggap ng katotohanan. Negro si Mayweather, so ‘pag tinawag siyang Negro racist na? ‘Pag tinawag bang Tisoy ang maputing gay racist din?

Para rin ‘yang magnanakaw sa gobyerno na ayaw matawag na magnanakaw. Kung ayaw n’yong matawag na magnanakaw, eh, di ‘wag kayong magnakaw. Gano’n lang kasimple ‘yon. Hindi ba itinuro sa inyo ng ina n’yo ‘yan?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas