ANGEL LOCSIN, BINAGO BA NG KANYANG PAG-IBIG?

ADVERTISING

ANGEL LOCSIN, BINAGO BA NG KANYANG PAG-IBIG?

ANGEL LOCSIN, BINAGO BA NG KANYANG PAG-IBIG?
Angel Locsin and Neil Arce

SA PANAHON na iilan lang sa showbiz ang may alam tungkol sa salitang “lumad”, si Angel Locsin ay nauna na sa kanila.

Bago pa man naging isang malaking isyu ang tungkol sa mga bakwit na mga katutubo sa Mindanao, si Angel kumikilos na. Madami nang exposure na naranasan at mga tulong na nagawa.

Exposed na sa isyu ng mga pang-aapi at pagpatay sa mga tribal communities sa Mindanao reason kung bakit ang malaki ng paghanga ko sa kanya. Sinuportahan ko ang aktres sa mga pagkilos niya to support the Lumads at iba’t iba pa na mga issues na nakabalot dito.

Sa katunayan, hanga ako sa katapangan niya noong pasukin niya ang isang “No Man’s Land” sa isang komunidad ng mga Lumads sa Mindanao na pwede maglagay sa kanya sa kapahamakan during that exposure trip na iilan lang ang nakakaalam.

ADVERTISING

Hindi naging showbiz ang mga pagkilos niya at tulong sa kanila kaya less people knew na may ganitong ginagawa na ang aktres.

Thanks to her sister Angela and friends from Bayan Muna na during the last Presidential election ay very visible ang aktres sa kampaya para sa kanyang cousin (actually, tiyuhin) na si Neri Colmenares.

But for now, tila nae-enjoy ngayon ng aktres ang kanyang romance with N2 producer Niel Arce kung saan during the premiere night ng pelikulang Sid & Aya last Monday sa Trinoma ay all out ang suporta ni Angel sa boyfie kasama ang ilang mga showbiz celebrities.

ANGEL LOCSIN, BINAGO BA NG KANYANG PAG-IBIG?
Angel Locsin

Sa kasalukuyang rehimeng Duterte, ang pangulo na binoto ng mga DDS na binabastos at niyuyurakan ang mga kababaihan ay tila tahimik yata si Angel sa isyu.

At the moment, I haven’t read or seen on social media ang stand ng aktres sa #BabaeAko and #LalabanAko campaign ng mga kababaihan na matatapang na sa pagaakala ko ay kasama siya sa hanay nila.

I just hope walang kinalaman ang “lovelife” ng aktres sa pananahimik ngayon ni Angel na malaki ang impluwensya sa kanyang mga tagahanga na maging mulat (kung hindi pa man kumikilos) sa mga isyus at kaganapan sa ating kapaligiran.

Hinahanap ko kay kay Angel ang isang Gabriela, Lorena, Liliosa,Teresa at marami pang ibang mga kakabaihan na hindi nagpapaapi at at lumalaban.

Or shall I say, over lang ang expectation kay Angel. Sayang naman.

Sa panahon ni Lolo Dugong, dapat careful…careful…mahirap na.

 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING