Angel Locsin, biglang natakot na magkaanak ng kambal

Leo Bukas

SA BAGONG VLOG ng celebrity couple na sina Angel Locsin at Neil Arce ay ipinakita nila ang ginawang paghahanda at pag-eempake ng mga gamit sa kanilang condo. Ito yung araw na lilipat sila sa bago nilang bahay bilang mag-asawa.

Nakakaaliw ang bagong kasal sa kanilang latest vlog habang namimili kung anu-ano ang dadalhin nila sa bago nilang bahay at kung ano ang mga gamit na ile-let go o iiwan nila.

Angel Locsin, biglang natakot na magkaanak ng kambal
Neil Arce and Angel Locsin

“Hindi naman ito ang unang beses kong maglipat. Nakailang transfer na rin kami ng bahay. Pero, ito siguro ‘yung medyo ma-effort. Mas matagal,” sey ni Angel.

When asked kung excited na ba siyang maging legal wife ni Neil, oo ang sagot ni Angel.

“Siyempre excited ako. Super excited. Kasi alam kong kasundo ko si Neil kahit anong mangyari. But ang tagal kong nabuhay mag-isa.

“At I have my own set of rules. Si Neil kasi, napaka-carefree ‘yun eh. Iiwan niya lang kung saan-saan ‘yung gamit. Pero ako, sanay ako na ang remote, dito lang ‘yung remote,” wika pa ng Kapamilya actress.

Sa tanong naman kung nape-pressure na ba siyang magka-baby sa edad niya ngayong she’s already 36, sabi ng aktres feeling niya kailangan na niyang habulin ang oras.

“Medyo. Kasi, di ba sabi nila sa age ko, sabi nila kapag sa babae parang sabi nila may hinahabol na oras. Pero sa akin parang kung ano ang ibigay na biyaya ni Lord, di ba?” lahad ni Angel.

Dati ay gustung-gusto ni Angel na magkaroon ng kambal na anak, pero bigla raw itong nagbago.

“Noon kasi nahihilig ako sa kambal. Kapag nakakakita ako ng kambal, sobrang cute, ‘di ba? Eh wala akong lahing kambal.

“Pero nung nakita ko ‘yung mga kaibigan ko na nagka-babies na at kung gaano pala kahirap mag-alaga ng bata, sabi ko, ‘Ay parang di ko yata kaya mag-alaga ng sabay.’ So, kahit isa na lang,” pahayag niya.

Ibinahagi rin ni Angel na handa na siya kung anuman ang mangyayari sa hinaharap basta kasama niya ang mister.

“With Neil, marami akong bagay na hindi ako sigurado na mangyayari sa future natin. Pero, kapag kay Neil, okay ako. Kung maghirap kami sa future, magkagulo sa future, kapag si Neil ang kasama ko, masaya ang future ko,” deklara pa ng misis ni Neil.