Angel Locsin, bawal mabuntis

ADVERTISING

Angel Locsin, bawal mabuntis

Angel-LocsinHINDI NA nga itinatanggi nina Luis Manzano at Angel Locsin ang kanilang sweetness. Napag-uusapan na rin nila ang paglagay sa tahimik. Sa unang date daw nila sa Makati, pinag-uusapan na nila ang tungkol sa mga gusto nila sa hinaharap. Kasama na rin sa pinag-usapan nila ang titirhang bahay.

At kahit na marami ang nagsasabi na rekindling of romance ang nangyayari sa kanila, pinandingan ni Luis, “it’s a whole new Angel and a whole new Luis coming to the table.”

“Mabait na ako. There are a couple of times din naman na medyo I had to stray from the right path. Besides that, in general, realizing everything that has been given to you, that one of the biggest blessing in your life is standing in front of you saying I love you. How could you let that go?” say ni Luis.

Naniniwala rin si Luis na long journey pa ang kanilang tatakbuhin ni Angel especially sa kanilang wedding plan, but he will definitely hold Locsin’s hand every step of the way.

ADVERTISING

Hindi rin daw sila nagmamadaling magkaanak kapag sila ay ikinasal na dahil may mga dapat pa silang asikasuhin sa kanilang showbiz career. Isa nga sa mga commitment na dapat sundin ni Angel ay bawal mabuntis dahil siya at wala nang iba pang Kapamilya star ang gaganap muling Darna. Ire-remake ng ABS-CBN ang Darna at si Angel nga ang muling lilipad kaya bawal na bawal sa actress ang mabuntis.

Sa bibig na rin mismo kasi ni Luis namutawi ang pagpapalabas muli ng Darna sa year 2015, kaya malabong mangyari ang kasal nila ngayon ni Angel. Kailangan pa nilang maghintay pa ng dalawang taon bago maganap ang wedding. Pero whatever happen ay sinisiguro na ni Luis na walang puwedeng humarang sa kanilang pagmamahalan ni Angel.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING