Angel Locsin, ayaw ng Vilmanians! – Cristy Fermin

ADVERTISING

Angel Locsin, ayaw ng Vilmanians! - Cristy Fermin

Angel Locsin, ayaw ng Vilmanians! - Cristy FerminMATINDI ANG IKINAPAL ng bulsa ni Mommy Dionesia Pacquiao mula nang kagatin ng iba’t ibang ahensiya ang pagiging nanay niya sa Pambansang Kamao. Nagkainteres agad sa kanya ang mga negosyante para gawing tagapag-endorso ng kanilang mga produkto.

ADVERTISING

Nu’ng una ay kasama lang siya ni Manny Pacquiao sa ilang patalastas, pero nu’ng bandang huli ay sinosolo na lang ni Mommy Dionesia ang exposure, pero aminado siya na ang susi ng mga suwerteng dumarating sa kanya ngayon ay ang kanyang sikat na anak na si Pacman.

“Kung wala si Manny, mapapansin ba naman ako? Siyempre, tanggap ko naman ang totoo na kung hindi dahil kay Manny, wala namang kukuha sa akin sa mga commercial at pelikula.

“Damay lang ako sa kasikatan ng anak ko, kundi dahil kay Manny, sino ba naman ako?” pahayag ng dakilang ina ng Pambansang Kamao.

ADVERTISING

Sosyal na talaga si Mommy Dionesia dahil kahit saan siya magpunta ngayon ay meron na siyang mga kasamang alalay, may sarili na rin siyang make-up artist, donyang-donya na talaga ang dating ordinaryong nanay sa GenSan.

Nu’ng minsan ngang tanungin si Mommy Dionesia ng kanyang alalay kung anong relo ang gagamitin niya sa isang TV interview ay walang kagatol-gatol niyang sagot, “’Yung mahal na relo, ‘yung Rolex!”

Pero kapag si Mommy Dionesia kasi ang nagsasalita at nagbibitiw ng mga ganu’ng pahayag ay hindi ‘yun nahahaluan ng impresyon ng kayabangan, nakakaaliw kasi siya, parang sa lahat ng gawin niya ay isang inosenteng tao ang nagsasalita.

At hindi uso sa kanya ang hiya-hiya, kapag pinagsayaw mo siya ay tugtog agad ang kanyang hahanapin, “Isalang mo ang rumba, kung wala, isalang mo ang cha-cha!”

Ganu’n kadaling kausap si Mommy Dionesia, diretso siya, hindi siya mahilig sa pagpapaligoy-ligoy.

Sa tanong naman kung hindi ba kaplastikan lang ang ipinakikita nilang pagkakasundo ng kanyang manugang na si Jinkee ay mabilis ang sagot ni Mommy Dionesia.

“Lagi namang ganu’n ang kuwento tungkol sa magbiyenan. Pero hindi totoong magkaaway kami ng manugang ko, iniintriga lang kami ng ibang tao,” katwiran ng tinatawag na “Mommy Pacman” sa GenSan.

HANGGANG NGAYON AY naghihintay pa rin ang marami kung ano ang sasabihin nina Luis Manzano at Angel Locsin tungkol sa balitang-balita na nilang paghihiwalay, pero hanggang ngayo’y tahimik ang magkabilang kampo, kaya nag-iisip ang ilang manunulat na baka gimmick lang ang kuwento.

Napaka-safe ni Luis sa pagbibigay ng pahayag, si Angel naman ay wala talagang sinasabi, pero patuloy ang pag-ikot ng istoryang tapos na ang lahat sa pagitan nila.

Gusto na lang naming isipin na siguro’y nirerespeto lang ni Luis ang pananahimik ni Angel, siguro rin ay naghihintay lang ang dalaga kung ano ang sasabihin ng aktor, kaya sa kanilang paghihintayan ay ganito ang nangyayari.

Pero marami palang tagasuporta ni Governor Vilma Santos ang hindi nagkakagusto kay Angel, hindi nila pinanghihimasukan ang damdamin ni Luis, pero kung sila ang tatanungin ay hindi sila paborable kay Angel para makarelasyon ng panganay na anak ng kanilang idolo.

Nu’ng minsan ay may nakausap din kaming nanay na nakatanaw lang sa mga kaganapan sa showbiz, ang kanyang sabi, “Parang natatakot ako kay Angel. Parang meron siyang itinatagong ugali. Parang hindi siya sincere. Parang meron siyang palalabasin.”

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING