Angel Locsin at Richard Gutierrez, balik-tambalan sa pelikula!

ADVERTISING

Angel Locsin at Richard Gutierrez, balik-tambalan sa pelikula!

Angel Locsin at Richard Gutierrez, balik-tambalan sa pelikula!WALA NAMANG masama kung makita si Angel Locsin sa bakuran ng GMA-7, lalo na kung mayroon lang siyang dinadalaw na mga dating kaibigan na naiwan niya sa nasabing Network nu’ng siya ay lumipat sa ABS-CBN. Ngayon kasi ay mayroong dalawang bersiyon na lumulutang. Una ay dumalaw nga raw ang magandang aktres sa Siyete. Pangalawa ay ang pagdedenay ng kung sinu-sino, dahil wala nga raw katotohanan na ang Kapamilya star ay dumalaw sa Kapuso Network.

Pero parang may nilulutong magandang plano na hindi pa pupuwedeng pag-usapan sa ngayon. Inaasahan na raw ngayon ang mga pagtatakip na naglalabasan, dahil kaya may usok ang balita na muling namataan si Angel sa bakuran ng Siyete ay dahil sa isang project na magiging balik-tambalan nila ni Richard Gutierrez. Kung matutuloy, kabig siyempre ng GMA Films si Richard. Damay nga rin ang pangalan ni Mother Lily Monteverde, dahil diumano, kung matutuloy ang nasabing balik-tambalan, ay magiging co-producer naman si Mader.

Huwag na kayong magulat kung biglang matuloy ang muling pagpapareha nina Angel at Richard, dahil dati naman silang magka-loveteam, kaya sabik na silang makatrabaho ang isa’t isa. Talagang ang lumulutang na usapan ay isang pelikula, at walang katotohanan ang pinalulutang ng mga intrigero na mula sa ABS-CBN ay lilipat na naman si Angel sa kumpanya na dati niyang iniwanan na naging isang malaking panggulat ng kanyang career noon.

 

ADVERTISING

BLIND  ITEM: Maraming kumokontra tungkol sa pralala ngayon na ang baguhang actor daw na si Lloyd Xanadu na pinasisikat ng isang malaking network ay humahataw ang magandang breeding. Hindi pinaniniwalaan na ang pagiging mapakisama niya sa showbiz, lalo na sa kanyang kapwa mga artista ganu’n na rin sa hanay ng press ay walang bahid ng pagkukunwari. Wika nila ay sobrang ka-showbiz-an ang mga ipinapakita ni Lloyd, dahil gusto niya talagang mapansin at sumikat.

Wala raw kuwestiyon kung ang pagpapakitang-gilas ni Lloyd ay tungkol sa kanyang trabaho bilang wholesome na actor. Pero kung tungkol naman daw sa dati niyang “pakikipagsapalaran” sa buhay para mairaos ang bawat araw, ay masyado raw segurista si Mr. Xanadu. Katulad na lamang daw nu’ng ibugaw siya ng isang bugaling sa isang mayamang bading. Nang tiwalang ibigay raw ng bugaw kay Lloyd ang cellphone number ng parokyanong bading ay dumiretso na nang tawag ang hindi pa noon sikat na actor sa magiging kostumer niya sa kaligayahan.

Angel Locsin at Richard Gutierrez, balik-tambalan sa pelikula!

“Naloka siyempre ang bugaling sa ginawa ni Lloyd. Tama ba namang siya na mismo ang tumawag du’n sa mayamang bading kung magkano ba ang ibabayad sa kanya sa isang gabing magkasama sila? Hellooo! May presyo na siya na inihahatag ng bugaling sa mga parokyano, at du’n na siya kakaltas ng komisyon. Tama bang magtanong si Lloyd kung magkano at kung magkano rin ang kakal-tasin ng kanyang bugaling? Iyon ba ang breeding niya na sinasabi? Tigilan ako, dahil para sa akin ay isa siyang malaki at guwapong bastos,” pagtataray ng tsikadorang source namin na nakakaalam ng nasabing kuwento.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING