Angel Locsin at Neil Arce nagpakasal na sa Taguig

Leo Bukas

HINDI napigilan ng pandemya at pangatlong beses na ECQ ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce. Ikinasal ang dalawa nitong Sabado, August 7, 2021 sa pamamagitan ng isang civil wedding sa Taguig City na pinangunahan ng mayor nitong si Lino Cayetano.

Angel Locsin at Neil Arce nagpakasal na sa Taguig
Angel Locsin and Neil Arce wedding

Sa post ng NicePrint sa Instagram ay kinumpirma rin ang tungkol dito. “They’re officially married! Congratulations @therealangellocsin @neil_arce. Civil wedding done”

Wala namang masyadong post si Angel sa kanyang Instagram account tungkol sa nangyaring civil wedding except, “and just like that (heart emoji). Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig [face with tears of joy, heart emojis]”

As expected, bumuhos ang pagbati sa dalawa sa post ni Angel.

Angel Locsin at Neil Arce nagpakasal na sa Taguig
Angel Locsin and Neil Arce wedding

Angel Locsin at Neil Arce nagpakasal na sa Taguig

Matatandaang naurong ang kasal nina Angel at Neil dahil sa Covid-19 na dapat sana ay naka-schedule na noong  November 8, 2020.

February 2018 nung inamin nina Angel at Neil na magkasintahan na sila. June 2019 naman nang nag-propose si Neil kay Angel.

Previous articleMarco Gumabao nag-scrub at 3 beses naligo bago ang tequila body shot scene nila ni Sharon Cuneta
Next articleRaymond Gutierrez natakot amining bading siya dahil sa kahihiyan ng pamilya